Booze Overload II: Knocked Out

Marami talagang nagaganap sa lahat ng inuman. Heto yung mga pangyayaring talagang tatatak sa mga isipan at kapag naalala ang mga kaganapang iyon, tatawanan talaga. Pero walang silbi ito kung kayo ang lasing at kayo ang pinagtatawanan. Kaya nga sa lahat ng inuman, mas mabuting moderate pa rin para naman maging witness sa kabalbalan ng mga kainuman.

It’s not flying… It’s falling with style.
Birthday ng pinsan ko noon sa Parañaque. Talaga namang high tide ang mga panahon na iyon ng alak, at siyempre since lahat ng mga tao dun ay hayok sa alak, nagpakalunod din ako. Noong nasa Booze Level 2 na ako, akyat-baba na ako para pumunta parati sa CR — nasa rooftop ang inuman, nasa 3rd floor naman ang CR. Yung hagdan pa man din pababa tiles tapos wala pang railings noon. So nung bumaba, as expected, nadulas na nga ako at nalaglag ako patagilid. Naging anghel ako na naputulan ng pakpak at inilaglag ng langit sa lupa. Mabuti na lamang nandun ang pinsan ko sa 3rd floor kaya nasalo niya ako. Kung nagkataon, magagaya ako sa mga aktor ng telenobelang hindi maalala ang nakaraan. Pagkatapos nun ayos lang ang damit, ang tayo at bumalik sa taas para makipag-inuman ulit. Parang walang nangyari. Mabuti yung pinsan ko lang ang nakakita, yun nga lang pagbalik ko naman sa taas ako na pala ang topic nila.

The rebel unraveled
Doon pa rin sa bahay ng pinsan ko sa Parañaque. Wala namang liparang naganap kahit wala pa ring railings ang stairs. Bumaha na naman ng alcohol at umulan ng pulutan. Since ako walang pakialam noon sa dami ng iniinom ko, talaga namang nagpakalango ako ng husto. Kapag di ko nadadatnan ang tagay ko talaga namang dinodoble ko pa. Ang sarap ng red horse sa akin ng mga oras na iyon, ang lakas talaga ng tama ng ihi ng pulang kabayo. Hanggang sa umabot na ako sa Booze Level 4, blockout na ako, wala na talaga akong maalala ng mga oras na iyon. Pero ang narerecall ko lang, I’m speaking english that time. Naging aktibista ako sa mga saglit na iyon, kulang na lang placard, pumunta ako sa harap ng Malacañang para magwelga mag-isa doon at mga firetrucks na magbubuga ng tubig sa aking yummy na katawan. Tapos, maya-maya umiiyak na rin ako at kung anu-ano na mga pinagsasabi ko. Grabe talaga, ayaw ko na talagang maalala yun, buti na nga lang wala akong maalala dun.

Puke Pocket… it’s not the sex toy!
Noong college days ko, sandamakmak na inuman. Bakal ang mga sikmura sa tindi ng tama ng alak. Patayan nga palagi ang inuman, at walang pakialam kung makatulog pa sa gitna ng kalsada dahil sa grabeng kalasingan. Isang karanasan ng college friend ko, grabeng inuman, talagang bangenge na ang lahat. Siya naman, nasusuka na, walang plastik o anuman sa paligid na pwedeng pagsukahan. Naka-uniform pa naman sila noon kaya sa bulsa ng polo niya siya sumuka. Pagkatapos niyang sumuka dun, na-realize niya sigurong polo pala iyon, kaya hinampas ng kanyang naglalakihang kamay ang pocket ng polo niya kaya naman mas lalong kumalat ang suka sa kanyang damit. Yummy!

Where’s the chicken?!
Birthday ng isa pa naming college friend. Dumating yung kabarkada — yung sumuka — galing Canada para sorpresahin kaming lahat sa birthday na yun. At siyempre marami pa ring alak pati pagkaing handa. Since hindi na kami college ng panahon na ito, hindi na ganun kalakas ang pag-inom. Moderate lang ang kalasingan, kung sa aking Booze Level hanggang 3 lang. Marami rin handa ang celebrant nun, kung anu-ano pa. Masaya din namang natapos ang lahat. Pero nung pauwi na pala etong friend namin from Canada sa kanilang tahanan sa Laguna, nu’ng magbabayad na siya ng pamasahe sa jeep, may nakapa siya sa kanyang bulsa. Pera? Hindi. Susi? Hindi rin. Jebs ng kalabaw? Eww. Eh ano? Drumstick ng Fried Chicken! Para hindi masyadong mapahiya, kinain niya na lang yung katakam-takam na fried chicken, at palagay ko nainggit pa an ang mga pasahero ng jeep sa kanya. Pagkatapos, nu’ng magyoyosi naman siya, meron na namang nakita sa loob ng cigarette box. May lumpiang shanghai! Since ok pa naman at mukhang sumptuous pa, kinain niya na lang ulit.

Masaya talaga ang mga inuman, pero mas masaya kung naaalala niyo ang lahat ng mga nangyayari. Kung magpapakabangenge naman kayo sa tawag ng alak, bahala na kayo. Ano man ang mangyari sa inyo kapag nablockout kayo, nandito naman kami para tumawa sa inyo.

Basta tandaan: Uminom lang palagi ng may tama!

———————————

Ginawan pala ako ni Mica ng isang featurette sa kanyang blog. Labis akong natuwa dahil ilang beses niya ring nabanggit na ako’y Uber Gwapo at ang aking pasaway na alagad. Siya na ang nagpatunay nito. Kaya’t ako’y lubos nagpapasalamat sa ginawa niyang ito. At para kahit papaano makabawi man lang kahit konti basahin niyo: