Striking Firsts

Nanggaling ako ng glorye nitong Lunes para manood ng Shrek The Third. On the way sa glorye, dumaan muna ako ng Landmark since doon naman ang route ko. Nakita ko sa Landmark na nakadisplay na muli ang mga uniforms at mga gamit pang-eskwela. Nostalgia! Nostlagia! Nagwawater effect na naman ang paligid at dinadala ako sa nakaraan. Ngunit pinigilan ko ang water effect na ito dahil manonood pa nga ako ng Shrek The Third sa G4.

Malapit na namang matapos ang buwan ng Mayo. Karamihan dyan inaayos na ang requirements at nag-eenroll na rin sa mga napili nilang mga schools at universities. Kung nakapag-enroll naman na, nagbibilihan na yan ng mga mapuputing polo, nagkikintabang mga leather shoes at payabangan na sa mga malulufet nilang mga pencil case. Ang mga nakapagtapos naman na ay malamang naghahanap pa rin ng mga trabahong mapapasukan hanggang sa ngayon. At yung mga batugan naman dyan, naghihintay na lang ng grasya sa iaabot ng mga magulang at inaabangan ang tawag ng barkada para malibre siya sa swimming.

Since mas marami ang magsisipasukan sa mga bago nilang schools at mga mag-a-apply sa mga trabahong nais kaysa sa mga inutil na tumutulo ang kanilang mga laway sa mga unan, bigyang tuon natin ang mahalagang bagay sa mga incoming Freshmeat… este Freshmen at mga aplikante, ang First Impression.

Malaking bagay ang first impression, judgmental kasi ang karamihan ng tao. Kaya naman dapat kahit papaano madaya natin ang impresyong ito sa umpisa pa lang. At kung may recall ang first impression na ito, mas mabuti dahil mas makikilala kayo sa ginawang ito.

  • Syempre, dress to impress. Hindi naman necessary trendsetter, basta mahalaga maayos lang ang suot niyo. Pero kung talagang nais makaagaw pansin, magsuot kayo ng christmas tree, costume ni Jollibee o gayahin ang fashion statement ni Kuya Germs at Tessa Prieto-Valdez.
  • Less is more. Contrary sa una kong suggestion ito. Hindi naman kailangang agaw pansin ang suot, pwedeng minimalist lang. Pero kung may recall, wag na lang magsuot ng kahit ano. Magpakita kayo sa interbyu at first day of school ng hubo’t hubad, magandang first impression yan. Maaalala kayo ng sobra-sobra.
  • Bigating tagline. Kapag ipapakilala ang sarili, tandaang maganda ring merong bigating tagline na bibitawan. Aalalahanin kayo palagi sa bibitawan niyong salita. Gayahin niyo itong sinabi ko noong first subject sa first day noong first year ng college ko:

    “Hi I’m Billycoy Dacuycuy and I’m still available.”

  • Scent attracts. Malakas ang epekto ng ating amoy sa pagtawag ng pansin. Pwede pa itong ma-enhance through the use of perfumes. Hindi naman kailangang magpabango para ma-enhance ito, huwag lang maligo ng isang linggo hanggang pasukan, tiyak na tatatak ang amoy sa mga makakasalamuha sa unang araw.
  • Be confident and trust yourself. Confidence ang nagpapalakas ng appeal ng tao. Walang kwenta ang assets kung hindi naman bilib sa sarili. Isantabi ang hiya lalo’t kung wala namang ginagawang masama at nakakasakit. Kaya’t laklakin ang Lactacyd Confidence upang tumaas ang inyong self-esteem.

Malaking bagay ang first impression, doon kasi kagad hinuhusgahan ang isang tao; snap judgment. Hindi ito maiiwasan lalo’t kung madalas may makasalamuhang mga bagong tao o environment.

Kayo? Ano ba first impression niyo sa akin? As of blogging and not in person. Kasi kung in person alam ko namang sasabihin niyo lang na ubergwapo ako!