Big Scenes, Big Screens

May bago akong ipipitch na project kay Mr. Vic ng Viva Films. Actually, nag-set na ako ng schedule of meeting ulit namin. Yung nauna kong project na para sa Palanca ay hold muna ang productions. Injured kasi ang aming leading lady dahil sa tindi ng acrobatics at stunts para sa project na ito. Nahirapan naman kami sa casting para dun sa aking life-story movie. Hindi qualified ang mga local actors, gusto ko ubertalented ang gaganap sa akin. Though may ni-recommend sila sa akin si Justin Cuyugan daw at yung guy sa PLDT DSL ads. Hindi pa naman sila nag-audition kaya di pa namin makilatis ang talento nila.

Idea ito ng aking pinsan, and they are great stories kaya naman naisipan kong i-pitch nga ito kay Mr. Vic. Magandang gawing movie at talaga namang magiging box-office at kikilalanin ito sa ibang bansa. Baka nga i-adapt din ito ng Hollywood kapag naipalabas na ito. Kaya naman excited na akong ipakita ang draft at synopsis ng bagong movie projects.

Chikinini sa Puwet ng Diablo
Genre: Romance, Soft Porn
Synopsis: Love story ng isang demonyong nainlab sa isang babaeng tagalupa. Nang pumunta sa lupa ang demonyo para manukso sa mga tao, nakilala niya sa isang bar itong babae. Nalasing ng husto ang diablo, may nangyari sa kanilang dalawa, isang one night stand. Kinabukasan ay wala na itong babae ngunit nakaramdam ng pag-ibig ang diablo. Ngunit hindi niya nakuha ang pangalan, contact details at friendster account ng babae, malabo rin sa kanyang isipan niya ang hitsura ng girl. Isang palatandaan lang ang paraan para makita niyang muli ang iniibig na tagalupa. Sa pamamagitan ng naiwang bakas, ang chikinini sa kanyang puwet.

Himagsik ng Baklang Ngongo
Genre: Action, Suspense, Drama
Synopsis: Isang inosenteng baklang ngongo ang pinaglaruan ng tadhana. Sa kanyang pagpadpad sa siyudad maraming bagay ang di niya alam. Nakipagsapalaran sa city para mapaayos ang kanyang buhay at ang kanyang pamilya sa probinsiya. Sa isang di inaasahang pagkakataon, nakilala niya ang tatlong kababaihang inaakala niyang magiging mabuti sa kanya. Kaya’t isang gabing nakasama niya ang mga nagagandahang dilag, hindi niya alam ang nag-aabang na masamang balak sa kanya. Nireyp siya ng mga babaeng ito, at hindi lang rape, gangrape pa. Itinapon siya sa malayong lugar na half-dead. Ngunit ng magkaroon ulit ng ulirat, iisa lang ang nais niya, iisa lang ang pakay niya at yun ay magpa-parlor… este maghiganti at poksain ang mga gumahasa sa kanya.

Kapag natuloy na itong movie project na ito, malamang na hahakot ito ng sandamakmak na awards. Ka-level na rin ito ng mga movie sa Academy Awards, Golden Globe at sasapawan mga movies ng mga Porn Filmfest.

Sino kaya mga bagay na artista sa mga movie projects na ito?