Scandals on Ice and in Videoke

Madaling araw na namang nakauwi ang alagad ko kanina. Gumala na naman sa MoA at nu’ng kinagabihan sa Malate at nagvideoke doon. Tinawagan kasi ako ni Henry Sy at may mga nagkakalat at nambubulabog daw doon sa MoA, lalo na doon sa Yellow Cab. Nagreport ang aking kanang kamay sa mga naganap na meetup sa MoA at heto ang kanyang mga natuklasan.

  • Napatunayan ni Kevin ang kanyang impluwensya sa mga kabataang bloggers ngunit nabigo sa kanya dahil wala siyang dalang pasalubong. Yun lang naman talaga ang tunay na pakay ng mga imbitado sa meetup na yun.
  • Si Shari ang mentor ng Mean Girls na sina Yna, Karla at Cars.
  • Si Heneroso ay 100% certified bakal boy, dahil hindi lang sa mga railings ng mall siya tumatambay. Napatunayan niyang bakal boy din siya sa Ice Skating Rink dahil halos di siya makalayo doon o ng alalay ng kahit sino.
  • Dinaig pa ni Heneroso ang mga youngsters dahil sa aga ng kanyang curfew.
  • Lactose intolerant pala si Chabs kaya naman maghahanap na lang ng pizza with soya cheese sa susunod na meetup, kung meron man.
  • Hindi talaga magkapatid sina Jeff and Benj.
  • Nabigo ring maging financier si Neil.
  • Ubod ng tahimik si Kim kaya sasagutin ko na ipa-transplant sa kanya ang dila ni Paolo Bediones para dumaldal naman na siya.
  • Hindi pala nakapag-abot ng ambag si Cars.
  • Bula pala at hindi confetti ang mistulang snow sa Ice skating rink.
  • Nakisama sina Jed, Jhed, Jeff at Vinch kay Rens para maging member ng bakal boys. Sa ice skating rink pala ang audition ng mga bakal boys.
  • As usual good boy pa rin si Aaron, pinanindigan ang pagiging Best Boy Blog sa Candy Mag, baka kasi masira imahe niya kapag gumawa siya ng kabulastugan.
  • Ayaw ni Jeff ang Sola iced tea kaya binasag niya na lang ito sa Yellow Cab.
  • Si Jhed at LA pala sina Sasha at Tintin, sila na ang bagong Super Twins.
  • Si Joe ang mortal na kalaban ng Super Twins tandem sa Videoke, lagi silang tie sa score na 99.
  • Mabait naman si Benj sa personal, hindi pala siya cannibal.
  • Hindi lang si Irvin ang pinakamaliit sa mga bloggers, yehey!
  • Nadapa ang aking alagad sa rink at nagalusan, pero as usual, gwapo pa rin.

Yan ang mga naganap sa meetup kahapon. At dahil nga sa nagalusan at nagwaldas ang aking clone ay pinarusahan ko ulit siya. Inilagay ko na siya sa aking torture chamber kung saan manonood siya ng mga pelikula ni Mark Lapid for 24 hours.

Para sa mas marami pang scandals sa kaganapang ito, pumunta dito Bloggers Scandal on Ice.