Close Encounter with the Third Kind

Nakaharap ako sa PC at gumagawa ng project ko. Dahil naka-on ang aking speaker at online radio sumambulat sa akin ang isang awitin. Ang “Dancing Queen” ng Abba. Habang ako’y umiindak, heto na naman, nagwawater effect ang paligid.

Nagpunta kami noong college sa Luneta upang magpractice ng isa sa aming projects. Maayos pa ang panahon nun, hindi pa nakakapaso ang init ng araw dahil di pa laganap ang global warming noon. Wala rin dun yung mga magjuwawhoopers na naglalaplapan at kung anu-anong ginagawang milagro sa damuhan dahil may araw pa naman nu’ng pumunta kami noon. Sayang nga at wala akong mga nasaksihang mga ganung pangyayari.

Habang naghahanap kami ng spot, harutan at laro muna kami habang naglalakad. Maraming mga tubebeng nagliliparan sa paligid. May nahuli pa nga aming kaibigan na isang tubebe. Nahuli niya ito sa pamamagitan ng paghawak sa magkabilaang pakpak nito kaya naman narinig namin ang isang malakas na “Krakk!” Nag-split ang tubebe sa gitna na akala mo’y hati ng buhok sa gitna ni Kachupoy. Kawawang tubebe, nag-ala Mystica ang kanyang katawan.

Nakahanap rin kami ng mapupuwestuhan, kaya naman nagkumpulan na kami upang pag-usapan ang project namin. At dahil nga masisipag kaming students, naisipan nilang maglaro na lang ng volleyball sa ilalim ng arawan ng luneta. Samantalang ako, hindi na sumali, kasi ayokong pagpawisan ng mga panahon na iyon. 2:30 ng hapon yata yun. Kaya hayun, sulok moment muna ako sa munting puno sa spot namin para di masyadong maarawan at para magbantay ng gamit.

Maya-maya habang hibang na hibang ang kasamahan sa paglalaro may isang mamang nakapolo ang naglalakad-lakad. Pinupuntahan niya yung mga bagong tanim na puno na nababakuran ng kawayan. Ang weird ng mamang ito kasi kinakausap niya pa ang mga munting puno. Hinahaplos-haplos niya pa ang mga dahon at mga sanga ng mga halaman. Aakalain mong isa siyang diwatang bading ng Luneta. Palipat-lipat siya ng halaman hanggang papalapit sa aming kinaroroonan.

Hayun na nga at lumapit na siya. Pumunta siya sa puno na kinalalagyan ng aming mga gamit. Tapos dumungaw na siya sa gitna ng naka-split na malalaking sanga ng puno. At hayun, kumerengkeng na at di na mapakali. Tumingin siya sa akin na nagniningning ang mga mata, itinuro ang kanyang pumipilantik na daliri sa akin at nagsalita “Oy Pohgi oh! Pohggi!!!”

Paulit-ulit niyang sinabi yun. At siyempre sa takot ko napalayo ako ng kaunti sa puno. Hindi naman kasi ako pwedeng lumayo ng husto kasi nandun pa rin ang mga gamit namin. Ang mga kaibigan ko naman nandun lang at tuloy sa paglalaro at pinagtatawanan ako. Gusto ko na sanang pag-isahin ang naka-split na sanga ng mga puno para maipit ang ulo niya sa gitna at mapisak ang kanyang bungo at utak. Hindi ko na lang ginawa kasi hindi pa sapat ang aking kakayahan para doon.

Ilang saglit lang at naisipan na ring lumayas ng diwatang bading ng Luneta. Hindi naman na siya bumalik pa. Yun na rin ang huling pasyal ko sa Luneta.

Tumingin ako sa paligid dahil may naramdaman akong basa. Nagwawater effect na naman. Tumigil na pala ang “Dancing Queen” sa radyo at natagpuan ko na lang ang sarili ko sa ibabaw ng lamesa, nakapose at nag-aakmang mag-striptease na.