Large Screens, Large Scenes, Large Things


Isa sa paborito kong gawain ang manood ng sine. Hindi naman ako totally movie buff, pero gusto ko talaga ang manood sa sinehan. Yung dilim at nakakapanigas na lamig sa loob ng sinehan, yung mga dumadagundong sounds na umiikot pa sa paligid at saka yung mga silhouette ng mga sexy na dumadaan sa harap ng aking upuan. Syempre, kapag manonood sa magandang sinehan dapat samahan din ito ng magandang palabas… sana nga lang may porn.

Ilan na rin ang mga sinehang napasok ko, pero ang mga theaters ngayon, talaga namang dekalidad na. Carpeted na ang sahig, malambot na ang mga upuan, located na lagi sa mga malls at ang pinaka-favorite ko, yung butas na lagayan ng soft drinks sa arm rest. Yung ibang sinehan pa ngayon, gaya ng sa Gateway, may La-Z-Boy seats pa tapos heto pa ang naglakihang sinehan ng SM Mall of Asia na kailangang pang magsuot ng geeky eyeglasses para lang makapanood na mala-katotohanang IMAX nila. Hindi naman lahat ng sinehan ngayon ay kasing sosyal ng Glorietta — dating QUAD, Mall of Asia, PowerPlant Mall sa Rockwell, Gateway at sa electronic billboard ng Quiapo.

Kung hindi alam kung napapabilang ba sa susyaling sinehan ang napasukan, madali lang naman itong malaman.

  • Ang mga sosyal na sinehan ngayon carpeted na ang mga sahig at may bright blue linings pa malapit sa upuan. Hindi ito sosyal kung dumidikit na sa sahig ang inyong paa sa lagkit gawa ng mga natapong softdrinks at kung anu-ano pa.
  • Kung nadulas at may nahawakang kaong sa sahig, definitely, hindi yan sosyal na sinehan.
  • Mabaho at malansang amoy ang sasalubong sa pagpasok niyo ng moviehouse.
  • Mainit sa loob at nag-iinit ang mga manonood.
  • Hindi ito sosyal kung kasabay manood ay mga bading at mga weirdong kalalakihan.
  • Hindi lalagpas ng 100 pesos ang bayad ng ticket.
  • Back-to-back na pelikula ang pinapanood.
  • Surround sounds ng mga umuungol na manonood ang maririnig.
  • Lahat ng cubicle sa banyo ay naka-lock.
  • Ang mga pelikula ay di alam kung saan o kailan ipinalabas.
  • May mga kumukurot sa puwetan at mangangati sa kinauupuan.
  • Hindi lang ang pelikula ang pwedeng panoorin sa loob ng sinehan. May mga napapanood din sa harap, likod at sa mga tabing mga palabas at eksena.
  • Nawawala ang ulo ng kasama nila pero mapapansing ito pala ay nakayuko pero gumagalaw ng taas-baba.
  • Gamit na gamit ang KKK (Kataas-taasan Kadilim-diliman Kasuluk-sulukan) part ng sinehan.
  • May nagreraid na pulis habang nanonood ng titillating scene ng pelikula.

Madali lang naman malaman kung hindi bigating sinehan ang napasukan. Kung hanap naman talaga ay thrill at adventure habang nanonood, dun na lang sa hindi sosyal na cinemas. Pwede pang maging daan sa kasikatan kasi lalabas iyon sa mga tabloids.