Unlimited Curse

Talaga namang patok ang texting sa ating mga Pinoy. Lalo na sa ating mga kabataan. Kaya nga pinababa nila ng pinababa ang mga presyo ng mga loads ngayon dahil naging target market nila ang mga students na may limited na budget para sa kanilang load. Noon kasi, 250 hanggang 300 pesos lang ang load, tapos nagkaroon ng 100 then bumaba pa ulit ng 30 pesos. Ngayon, parang Boy Bawang na lang na patingi-tingi ang mga load… less ang amoy ng bawang.

Ipinakilala sumunod ng telecom companies ang unlimited calls at texting. At kinagat nga ito ng marami, lalong-lalo na ang mga teenagers at mga students at nabusog naman sila. And as usual, mas lumala ang pagiging text capital of the world ang bansa natin ngayon. Bukod sa pagiging text capital natin, marami pang naging epekto ang unlimited texting sa atin.

Ang Sumpa ng Unlimited Texting
  • Nagkakaroon na ng biceps ang mga hinlalaki ng mga texters.
  • Hindi na problema ang spelling, kasi binubuo na ng mga texters ang kanilang mga message.
  • Umaabot na sa 3-pages ang mga text ngayon, sa susunod magbabasa na ng blog or novel sa cellphone through SMS.
  • Madalas magforward ng mga korning jokes at quotes, kahit pa yata motto ng mga street sweepers ay finoforward na rin.
  • Mauuso na ang thumbs spa at thumbs scrub sa mga parlor sa mga susunod na araw dahil sa kalyo sa mga hinlalaki.
  • Lalaganap ang mga walang kakwenta-kwentang mga kaganapan sa buhay ni Ederlyn at ChonaMae.
  • Sakit na ang tanong na “Globe ka?” or “Smart ka?” or “Sun ka?”. Excuse me, TAO po ako.
  • Sakit na rin ang mga ganitong banat “Bakit di mo ako tinetext?” “Smart/Globe ka kasi! Naka-unlimited ako”
  • Dahil limited lang sa same telecom ang unlimited texting, kapuna-punang isang or karamihan sa isang telecom lang ang nasa phonebook.
  • Ang simpleng “Good Morning/Afternoon/Evening/Night!” ay finoforward na.
  • Sumasama na ang balat sa cellphone dahil sa matagal nitong pagkakadikit sa palad ng mga texter.
  • Magpapakamatay na dahil sa isang minuto lang mahiwalay sa kanya ang cellphone.
  • Mas pipiliing hindi makita ang juwawhoopers dahil mas magagamit ang unlimited texting kapag di sila nagkikita.
  • Kahit na mawala ang bahay nila, ang mahalaga nakakapagtext pa rin siya.
  • Nagtetext pa rin kahit kaharap na lang ang kausap niya.
  • Pinipiling sa text na lang mag-usap kaysa sa bunganga.
  • Hindi mapakali kapag malapit ng matapos ang unlimited texting at konti pa lang natetext.
  • Tuwang-tuwa sa sexchat kahit ang usapan lang nila ay “Oooh!” “Ahhh” “Sarap!”
  • Ikinamamatay nila ang pagkakasagasa sa mga pedicab at bisikleta.

Matindi ang sumpa ng unlimited texting. Marami na ring nahu-hook dito. Kahit nga mga postpaid subscribers ay gumagamit din nito.

Teka, isang oras na lang pala ang nalalabi sa aking unlimited texting, hanap nga ako ng makaka-sexchat.