Pop the Pimple of the Pimp


Siguro lahat naman yata ng tao dumaan na sa trahedya ng puberty at teenage life. At ang pangyayaring ito ay umaabot hanggang sa pagtanda natin. Don’t worry, no biggie naman ito—big deal lang naman sa mga overzealous vain people. Ang tinutukoy ko lang naman ay ang mga pimpols, tigidigs, zits at kung ano pa ang gusto mong tawag diyan. Gaya ng isang bata diyan na dumaan sa dilemma ng tighiyawat.

Kaya naman heto ulit ang inyong consultant upang magkaroon ng solusyon sa isang malalang problema ng sambayanan. Ang korupsyon… este ang pimples. Hayaan niyong ibahagi ko ang ilan sa nalalaman ko para maibsan ang kalungkutang dulot ng zits.

  • Keep your face clean. Dapat iwasang hawakan ang mukha ng kamay hangga’t maaari lalo na kung kakatapos lang jumebs at di man lang naghugas ng kamay pagkatapos magpawpaw.
  • Scrub the face at least twice a week. Marami na ang facial scrubs sa market, kaya naman madali na lang ang paggamit nito. Kapag walang epekto ang mga facial scrubs, gumamit na ng steel wool at iskoba pang scrub ng face.
  • Eat healthy. Though, hindi pa proven ang effect ng pagkain sa cause ng pimples, pero yung tungkol sa chocolates and peanuts na cause ng zits ay half-truth. Yung iba kasing nagkakaroon ng pimples sa pagkain ng chocolates and peanuts ay dulot lamang ng allergic reactions. Lumaklak na lang ng Domex o kaya Mr.Muscle para malinis ang inyong bituka.
  • Don’t experiment with brands and products. Ang balat ay hindi lab rat para pag-eksperimentuhan. Kung hiyang na sa isang product or brand, stick na dun. Kaya kung sanay na sa Zonrox na ginagamit sa mukha, yun na lang ang gamitin.
  • Put an ointment instead of popping. Huwag i-prick ang zits, lalong kakalat ang microbes nito sa ibang part ng mukha. Gumamit na lang ng PanOxyl or any ointments or soaps with Zinc Oxide. Mainam din ang Katialis sa pimples, yun nga lang once every three days lang gamit nito dahil masyadong matapang. Supsupin na lang ang laman ng mga ointments para mas mabilis at tumagal ang epekto nito.
  • Hide and conceal. Mainam ang Chin Chun Su or Renow-D to lighten ang blemishes na dulot ng pimples. Kung malalim ang uka na gawa ng zits, gumamit na lang ng masilya at semento para takpan ito, pahiran na lang ng pinturang kakulay ng balat. Kung malala ang uka sa balat, gumamit na ng aspalto para matakpan ito.
  • Get hydrated. Ang skin ang huling nakaka-absorb ng tubig sa ating katawan. Usually, less than 10 percent lang ang ng tubig ang natatanggap nito sa ating iniinom. Kaya naman inumin niyo na lahat ng tubig na laman ng inyong balde.
  • Sex is best program. Ang pakikipagpopoy ay nagdudulot ng afterglow. Kaya kung gustong umaliwalas ang mukha regular na makipagpopoy, lalo na kung umaga. Hindi ko lang alam kung effective ang body fluids panghilamos, wala pang scientific proof dito.

Alagaan ng mabuti ang balat dahil wala naman siguro ang gusto ng sandamakmak na uka, peklat at tighiyawat sa mukha. Unless, nagpeprepare na para sa halloween, mainam na panakot yan, lalo’t yung madugo-dugo at mananana-nana pa.