Hyped!

May mga bagay o sitwasyon na nakakapagpa-hyper sa atin. Heto yung mga bagay na nagpapabago ng ating mood ng biglaan. At sa sobrang biglaan, parang nakalunok ng kendi ni Darna at tila nagkakaroon ng superpowers or ADHD. Hindi mo tuloy malaman kung sa sobrang kaligayahan, excitement, nagugutom, naka-drugs, nababaliw o simpleng libog lang ang umatake sa kanya.

Ganun din ako, inaatake nitong hyper moodswings. Nakakatuwa pero minsan nakakainis rin. Beyond limits na kasi kapag umabot sa ganitong level. Ilang bagay lang naman kasi ang nagpapahyper sa akin.

Topic: Sex. Sex-deprived akong tao kaya naman obviously interested ako sa mga topics ng kahalayan at kalibugan, green man o direct. Nabubuhay ang dugo at kaisipan ko kapag heto na ang usapan, actually kahit sino naman nagigising sa kahalayan. Mabagsakan sana ng planetang Jupiter ang tatangging di sila nabubuhayan sa topic na ito.

Chocolates. Isa akong chocoholic, lalo na kung yung dark chocolates, favorite ko yun. After kong kumain ng chocolates, nagiging hyper talaga ako. Gawa siguro sa taglay nitong Phenethylamine na nagrerelease ng endorphins kaya siguro nagiging maligalig ako. At dahil nga sa kemikal na ito, pakiramdam ko in love na rin ako. Kaya nga chocolates na lang ang gagawin kong juwawhoopers. Hindi rin pala, hindi ko ito mapopopoy.

Booze. Game ako sa mga inuman at talaga namang iba ang epekto nito sa akin kapag unti-unti ng lumalangoy ang aking utak sa dagat ng alcohol. Yun nga lang hindi sa lahat ng pagkakataon ay in-the-zone ako sa inuman. Maswerte na kapag talagang trip kong uminom at magpakalunod sa karagatan ng Strong Ice, Red Horse, Colt 45 at Jack Daniels. Asahan niyo higit pa sa pag-upo sa gitna ng kalsada ang kaya kong gawin.

Coffee and Egg for Breakfast. Hindi ko alam kung ano meron sa itlog at kape at nagiging maligalig din ako afterwards kong kumain at uminom nito. Naobserbahan ko yun nu’ng nagkakape pa ako. Though, matagal na akong nagstop pagsamahin ang kumbinasyon parang lifetime na yata ang epekto nito sa aking oozing sexy body.

Picture ni LA Lopez. Ewan ko ba, pero everytime na naaalala or nakikita ko si LA Lopez, parang gusto kong mag-amok at mangmasaker ng mga jologs at mga TH sa paligid. Baka magawa ko pang mag-assassinate kapag nakakita ako ng picture, malala pa kung billboard ni LA Lopez.

Ilan pa lang yan sa mga bagay na nagpapahype sa akin. Normal na sa akin ang maging baliw, pero kung ayaw niyong palalain ang sintomas nito iwasan lamang ang mga iyan. Pero kung gusto talagang makita, maghanda-handa na sa sangkaterbang kahihiyan!