July 2007

Hell is Coming

Posted on July 30, 2007

Papasa kaya yan? In your dreams! Papasok na naman ang madugong yugto ng mga bawat mag-aaral sa panahong ito. Tiyak na mabuburo na naman ang mga mata at ang mga utak sa pag-aaral ng mga sandamakmak na mga libro at modules. Kaya naman marami na namang masusunog na mga bahay at mga students dahil magsusunog na naman sila ng kilay at magbu-burn ng midnight oil. Kaya wag kayong magugulat kung walang kilay ang maraming students ngayon. Malapit na ang exams.Read More

Makeover Me Bad

Posted on July 27, 2007

Marami na talaga ang naloloko ng aking hitsura. Hindi lang isa o dadalawa ang nagsasabing napakabait o mala-anghel ang aking hitsura, marami na sila. Kinakapa ko nga ang aking ulunan baka may halo na ako sa ulo at ang aking likod kung may tumutubong pakpak. Wala naman, ang alam ko meron akong buntot, hindi sa puwet kundi sa harapan. Kahit anong subok ko lumayo sa ganung image talagang ‘good boy’ ang tingin ng marami sa akin. Nalaman ko pa manRead More

Move Over Cellphones

Posted on July 25, 2007

Huwag kayong magtataka kung sa mga susunod na araw ay may nakikita kayong naglalakad sa kalsada na may hawak na landline at nakikipagtelebabad pero wala namang kable ang landline phone na hawak nila. Weird pero totoo dahil narito na ang Bayantel Span, ang landline na mobile. Nagulat nga ako ng minsang makakita ako sa may amin na naglalakad at dala-dala nga ang kanyang dambuhalang landline while making telebabad. Sa gulat ko nga parang gusto kong magpalamon sa aso naming minpinRead More

SONB 2007: State of the Nation ni Billycoy 2007

Posted on July 23, 2007

Dumaan na naman ang isang taon sa ating bansa. Maraming nangyari, maraming nagbago. Nagkaroon ng bahagyang pag-angat sa ating ekonomiya kaya naman ang mga may dollars dyan hindi makapagpalit dahil nga bumaba ang palitan ng dolyar. Patuloy pa ring tumataas ang ratings ng mga baduy na mga programa sa local na telebisyon. Nitong kamakailan lamang nakatanggap ako ng eroplanong papel sa loob ng aking bahay at may nilalaman itong liham sa loob. “Strawberry Pretzel,Magkita tayo sa parke mamaya may mahalagaRead More

Simply Thanks

Posted on July 20, 2007

courtesy of: someecards.com Ako’y lubusang nagagalak at umabot na sa isang taon ang aking blog. Kaya naman lubus-lubusan akong nagpapasalamat sa lahat ng bumati nitong nakaraang blogiversary ko. Inilalaan ko ngayon ang post na ito sa pagpapasalamat. Una sa lahat, pinapasalamatan ko ang Billycoy Fans Club na kahit di pa nag-e-exist ngayon ay pinapasalamatan ko na sila in advance. Kung wala sila ay wala rin ako dito at kahit nandyan naman sila ay wala rin ako dahil nagwawala ako. NagpapasalamatRead More

Paper Post

Posted on July 18, 2007

Hindi mo nga naman akalain, pagkabilis-bilis talaga ng panahon. Nung kailan lang summer at nagpapakalunod ang marami sa mga beaches at pools, tapos ngayon bumubuhos na ang mga higanteng patak ng ulan sa ating mga bubungan at binabaha na ang ating mga kalsada. Tila kahapon lang ay nuknukan ako ng kamusmusan at ka-inosentehan tapos ngayon tila nag-uumapaw na ang aking kagwapuhan at kahalayan. Parang nung kailan lamang ay virgin ako ngunit sa kasamaang palad ay virgin pa rin ako asRead More

Wandering the Wonders of the World

Posted on July 16, 2007

Meron ng bagong seven wonders of the world. Binase ang new 7 wonders sa botohan ng marami. Dahil meron ng bagong wonders of the world, meron din naman akong sariling version ng seven wonders. Hindi ito mga tourist destination, kundi mga talagang ka-wonder wonder talaga. rebbet!!! rebbet!!! 1. President BushBakit siya naging presidente ng USA? Nag-iisip ba siya? Karapat-dapat nga ba siya sa posisyon niya ngayon? Sinong dapat ipalit sa kanya? Si Arnold Shwarzzeneger? O si Larry Flynt? umiiyak, kumakantaRead More

Untold Theories

Posted on July 13, 2007

Maraming misteryong itinatago ang ating mundo at ang ating buhay. Kung kaya’t nagsulputan na ang iba’t ibang mga scientists at mga theorists para bigyang linaw ang mga kababalaghang ito. Kaya nga tayo nag-aaral ng iba’t ibang branches of science mula elementary hanggang college para sagutin ang ilang tanong sa ating isipan. Unless gumagawa kayo ng kababalaghan sa last row ng classroom or nakikipaglaplapan sa inyong girlfriend—or other girlfriend—habang nagtuturo ang inyong teacher sa subject na ito. Likas din akong palaaralRead More

Fast Food Trip

Posted on July 10, 2007

Sino ba ang hindi gustong kumain? Mga bulimic at mga anorexic. Mahilig tayong kumain ng masasarap na food, mapa-ala carte, buffet, fine dining, fastfood o turo-turo man yan. Isa sa likas nating talento ang maging kritiko ng iba’t ibang klase ng pagkain, yun ang silbi ng dila natin. Kaya naman ngayon, huhusgahan ko ang mga pagkain ng mga fast food chains. Samahan niyo ako tumikim at maglaway ng malapot at malagkit sa mga fave nating orderin sa mga food chains.Read More

Raining Trends

Posted on July 9, 2007

Sumapit na naman ang isang season ng ‘Pinas. Though, medyo mainit-init pa rin, hindi mapagkakailang tag-ulan na talaga. Kaya nga kung anu-ano na rin nauuso kapag dumadating ang panahong ito. Maraming may gusto ang panahon ng tag-ulan, marami din naman ang may ayaw nito. At dahil nagsisimula na ang panahong ito, dapat prepared na ang lahat para dito. Ano nga ba ang mga uso sa panahon ng tag-ulan? Hindi yan ang tinutukoy kong rain! Yan ang uso, kapote… and nothingRead More

ANO ‘TO?

Mga isipan at muni-muni na walang kwenta, kalokohan, kagaguhan, kabalahuraan, kaututan at katarantaduhan. Nilikha para sa mga isinasantabi pansamantala ang kanilang katinuan.

Subscribe to Blog via Email

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Feedback and suggestions. Kape tayo? i.am@billycoy.com