I’m not a virgin anymore… NOT!

Buong blogosphere—kung di man sambayanan—na yata ang nakaantabay ng balita tungkol sa aking virginity. Mas excited pa ang iba kaysa sa akin ang magkaroon na ako ng girlfriend. Talagang hinihintay rin kung ano magiging reaksyon ko sa pagka-abang-abang kong first time.

Ano bang meron at talagang inaabangan ng marami na ako’y magka-girlfriend at ma-devirginize? Kung sabagay, 24 na nga pala ako, gunggong talaga ako. Pero higit pa dun, ano reaksyon at pwedeng mangyari kapag nagka-juwawhoopers at nakatikim na ng first time?

a) Ide-declare na holiday ng Malacañang ang unang araw ng aking first time.
b) Hindi na ako i-i-stalk ni Elizabeth Hurley.
c) Pag-aagawan ang aking istorya ng Magpakailanman at Maalaala Mo Kaya.
d) Mafi-feature ang aking success story sa Fortune, Forbes, Time at Chika-chika Magazines.
e) Aantabayanan at hahanapin sa internet ang aking sex scandal.
f) Hahantingin ng mga girls, bakla at matrona ang aking girlfriend or ang unang nakatikim sa akin para kanilang poksaen at ipapapak sa ipis.
g) Papatayin ng mga kaibigan at mga readers ko si Jimboy—ni Mahal—para sa akin.
h) Maraming babae ang mag-e-emo at magtatangkang magpakamatay dahil nabigo silang matikman ako.
i) Mapupuna ng marami na ako ay blooming, my pores will become smaller and ang mga lines… parang nawala.
j) Mabibigo ang mga nagpustahan na di na ako made-devirginize or magkaka-juwawhoopers.
k) Reregaluhan ako ng trip to Amanpulo for three nights.
l) Sisigaw ang mga tao ng “Yey!”
m) Ipagdidiwang ito ng lahat at magkakaroon pa ng 1 hour fireworks display sa likod ng SM Mall of Asia.
n) Magpapanic ang marami dahil isa na itong signos ng End of the World.
o) Of course naman, di na ako virgin.

Talaga namang hinihintay na ng lahat ang malaking pangyayaring ito sa aking buhay. Anyway, di ko naman minamadali yan, darating din ng kusa saka di ko pa naman totally hinahanap. Excited lang talaga ang mga tao sa paligid ko na mangyari sa akin yun. Hintayin niyo na lang yun… in ten years of time.

Kung sakali mang maganap—or naganap na yun, hindi ko rin naman ipagkakalat yun… or maybe?

Surprise! Surprise! Na lang.

——————————————

Official ko na palang binabago ang ibig sabihin ng USB simula sa araw na mabasa niyo ito. Simula ngayon ang magiging ibig sabihin na ng USB ay Untouched Since Birth, para isang term na lang ang lumang USB (Unloved Since Birth) at VSB (Virgin Since Birth).

ANO ‘TO?

Mga isipan at muni-muni na walang kwenta, kalokohan, kagaguhan, kabalahuraan, kaututan at katarantaduhan. Nilikha para sa mga isinasantabi pansamantala ang kanilang katinuan.

Subscribe to Blog via Email

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Feedback and suggestions. Kape tayo? i.am@billycoy.com