Like to Hate

Lagot ka! Pinaiyak mo! Hindi na kayo bati!

Hindi lahat ng araw ay gumigising tayo na maganda ang sinag ng araw at may mga ibong umaawit sa ating paggising. Dumarating din ang mga araw na may sumpong or sa english waking up at the wrong side of the bed. Bukod sa paggising sa umaga may ilang mga bagay din ang nagpapasira ng araw natin.

Ano nga ba ang mga ayaw ni Billycoy sa mundong ibabaw? Ano ba ang mga ito na pwedeng pagsimulan ng World War 3?

Sinigang sa Miso
Ito ang pinakaayaw kong ulam sa lahat. Hindi ako mahilig sa sinabawang isda, pero ang ulam talaga ang ayaw ko. Hindi kasi ako si Sam Concepcion na mapapakanta ng “Parang may isang anghel sa aking labi, Na nakalutang sa ulap, At nangingiliti…” Ayoko na nga ng lasa nun, mukha pang jebs ang nilalagay sa ulam na ito.

Local Primetime Shows and Teleseryes
Very predictable ang mga nangyayari sa mga kwento at nakakatamad panoorin. Suyang-suya na ako sa mga ampon at amnesia. Kung kwento ko na lang ang gawin nilang teleserye baka matuwa pa ang mga audience at tumaas ang rating nila. Baka maging horror nga lang ang palabas instead na porn ang kwento ng buhay ko.

Strong Scents
Though sipunin ako, kapag clear naman ang ilong ko, hypersensitive naman ang pang-amoy niya. Ayoko yung matatapang na amoy, mapa-pabango man yan na humahalimuyak mula Pasay hanggang Pagudpud o jebs na malambot na naupuan. Kumakapit sa mga tutsang ng ilong ko ang amoy at nagti-trigger ng allergy ko. Tapos, magsisimula ng bumahing ng bumahing hanggang sa maibahing ko na lahat ng utak at laman ng ulo ko.

Luya/Ginger
Ayoko ng luya sa ulam, lalo kung aksidente ko pang makain ito. Hindi rin ako kumakain nito kasi sabi nila pampaganda ng boses ito. Maganda na kasi ang boses ko at ayaw ko na ring humigit pa sa level na iyon. Kawawa naman kasi ang iba, sa boses na lang namumuhunan. Uber good looks plus great voice tapos papagandahin ko pa lalo ang boses ko, sobra naman yata yun. Hindi naman ako bakaw, mapagbigay din ako.

Pagmumukha ni Cristy Fermin
Nabubuwiset talaga ako kapag nakikita ko ang pagmumukha niyang tinamaan ng pagkarami-raming asteroids at kung anu-ano pang heavenly bodies. Idagdag pa ang pagiging biased niya sa mga artista at binabalita niyang walang kwentang tsismis. Kaya naman iniiwasan ko siyang mapanood sa TV at mabasa ang article niya sa tabloid. Magagawa kong tumawag sa North Korea at pasabugin ang mukha niya ng Nuclear Bomb.

Ngayon alam niyo na ang mga ayaw ko. Kung gusto niyong umiwas sa gulo at ayaw niyo ng malawakang giyera iwasan niyo ang mga iyan para sa akin dahil kung hindi, tutubuan sila ng male genitalia sa kanilang noo.

ANO ‘TO?

Mga isipan at muni-muni na walang kwenta, kalokohan, kagaguhan, kabalahuraan, kaututan at katarantaduhan. Nilikha para sa mga isinasantabi pansamantala ang kanilang katinuan.

Subscribe to Blog via Email

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Feedback and suggestions. Kape tayo? i.am@billycoy.com