Itigil na Natin Ito

Tama na!

Ayoko na, hindi ko na kaya itong ginagawa mo sa akin. Akala ko pa man din mapagkakatiwalaan kita. Akala ko maasahan ka. Matibay ka pa man din. Ngunit ano ang silbi ng tibay mo, kung gagamitin mo lang din pala against sa akin yan. Napakaplastik at napaka-ipokrito mo. Hindi na kita aasahan pa, hindi na kita nais pang makasama kailanman.

Itinuring kitang kaibigan, itinuring kang kaibigan ng lahat. Oo tama, napaka-dependable mo talaga. Saan mang lakaran pwede kang makasama at ang laking tulong ang ibinibigay mo sa amin. Hindi naman namin kinakalimutan yun at sa halip pinapasalamatan pa kita sa mga panahong iyon. Yun nga lang, hindi namin alam na may kapalit pala ang pagtulong na iyon.

Nasaktan ako sa kaya mong gawin sa akin. Isa ka palang mischievous backstabbing bitch. Hindi ko aakalaing tatraydurin mo lang pala ako. Pagkatapos ng ating masasaya at matatamis na pinagsamahan mabibigo lang pala ako sa iyo. Bakit ka ganyan? Kung may nagawa man akong hindi maganda sa iyo, sana sinabi mo na lang ng direkta sa akin. Bakit kailangan pang manggaling sa iba ang balita?

Hindi ko matanggap na sa isang kagaya mo pa mangyayari ang mga bagay na ito. Inakala kong maayos ang lahat pero hindi pala. Hindi na dapat na humantong pa tayo sa ganito. Ayoko rin namang itapon kita basta-basta, nakakapanghinayang ang mga panahong pinagsamahan natin. Pero hindi ko na kayang ibalik pa ang pinagsamahan natin noon, masyado mo akong binigo. Pineke mo lang pala ako.

Pinaikot mo ang lahat dahil sa kabutihan mo. Yun pala gagamitin mo lang pala ang kabutihang iyon para kami’y i-manipulate mo. Ngayon natuto na ako, di na ako magpapagamit sa iyo. Since, hindi naman kita maiiwasan parati at lagi pa ring magku-krus ang mga landas natin magiging matalino na ako kung paano kita pakikisamahan. Huwag ka na lang sanang umasang mapagkakatiwalaan at manumbalik pa ang dati nating pagkakaibigan.

Ayoko na sa iyo. Ayoko na ng PLASTIC. Ayoko na sa mga PET Bottles. Nakaka-cancer ka pala.

ANO ‘TO?

Mga isipan at muni-muni na walang kwenta, kalokohan, kagaguhan, kabalahuraan, kaututan at katarantaduhan. Nilikha para sa mga isinasantabi pansamantala ang kanilang katinuan.

Subscribe to Blog via Email

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Feedback and suggestions. Kape tayo? i.am@billycoy.com