Raining Trends

Sumapit na naman ang isang season ng ‘Pinas. Though, medyo mainit-init pa rin, hindi mapagkakailang tag-ulan na talaga. Kaya nga kung anu-ano na rin nauuso kapag dumadating ang panahong ito. Maraming may gusto ang panahon ng tag-ulan, marami din naman ang may ayaw nito. At dahil nagsisimula na ang panahong ito, dapat prepared na ang lahat para dito.

Ano nga ba ang mga uso sa panahon ng tag-ulan?

Hindi yan ang tinutukoy kong rain!

Yan ang uso, kapote… and nothing under it. Papatalo ba kayo sa mga bata?

  • Usung-uso ngayon ang maging wet. Bahala na kayo kung anong wet yan. Basta pag umuulan marami ang wet.
  • Bukod sa pagiging wet, in na in din sa panahong ito ang ubo at sipon. Kaya kung wala kayong ubo at sipon, out na kayo sa uso sa panahong ito. Buti na lang almost all year round ang sipon ko kaya naman lagi akong ‘in’.
  • Uso na rin ang mga batang naglalanguyan sa mga mababaho at mabuburak na baha. Kaya ihanda na ang mga goggles at makisisid na rin sa brown na tubig-baha.
  • In na in din ang mga late sa kanilang mga trabaho at school dahil nasasarapan sa pagtulog.
  • Sa di maipaliwanag na dahilan sa ganitong panahon, hindi mawawala ang mga taong dumadami kapag nababasa sila.
  • Yung iba naman tinutubuan ng kaliskis at nagiging isda ang mga paa nila.
  • Magsusulputan na namang ang sopas ads ng mga fastfood chains.
  • Uso pa rin ang mga bikini, pero instead sa beach maliligo, sa gitna na lang ng kalsada sila maliligo. Hubba hubba!
  • In na rin ang pagkakaroon ng Athletes foot at iba pang mga fungal infections sa balat. Out ang flawless skin ngayon.
  • Mas mauuso ang payong dahil ang jacket, nakakainis lang dahil pagpapawisan naman ng husto kapag suot ito.
  • Mauuso ang black polka dots sa mga pantalon, shorts at lower part ng mga shirts lalo sa bandang likuran.
  • As usual, tataas at lagi na namang babaha sa CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela) area. I-ready na ang mga salbabida at mag-swimming na sa mga lugar na ito, libre pa… pati leptospirosis at dysentheria.
  • Dahil malamig at bed weather nga, uso na ulit ang putukan sa loob ng mga kwarto—may partner man o mag-isa lang. Happy New Year!!!

Masaya din ang panahon ng tag-ulan. Ibinabalik nito ang mga alaala ng ating kabataan noong tayo’y naliligo sa ulan na walang saplot na gumugulong-gulong pa sa putikan at nagmumumog pa ng tubig baha. Mga maliligayang alaala. Sa iba, sumisimbolo ito ng kalungkutan at nakikisabay sa pagtangis ng langit habang naglalaslas ng kanilang mga pulso. Pero para sa akin, isa lang ang ibig sabihin ng panahon ng tag-ulan, perfect ang panahong ito makipag-popoy… Sana nga lang may kapartner ako.