Fast Food Trip

Sino ba ang hindi gustong kumain? Mga bulimic at mga anorexic. Mahilig tayong kumain ng masasarap na food, mapa-ala carte, buffet, fine dining, fastfood o turo-turo man yan. Isa sa likas nating talento ang maging kritiko ng iba’t ibang klase ng pagkain, yun ang silbi ng dila natin. Kaya naman ngayon, huhusgahan ko ang mga pagkain ng mga fast food chains. Samahan niyo ako tumikim at maglaway ng malapot at malagkit sa mga fave nating orderin sa mga food chains.

Hamburger
Let’s take yung mga fastfood burger originals. Sa Jollibee, Champ ang ideal burger nila. Malaki at para sa mga champions talaga. Least sa faves ko ang Champ kasi di ko trip ang mga burger patties ng Jollibee. Hindi kasi ako kumakain ng karne ng higanteng pulang bubuyog. Ang McDonald’s naman, sa kanila ang ever famous na Big Mac. Hindi ako nag-eenjoy kumain ng Big Mac kasi kaya ko itong tapusin in 5 minutes, mabuti pa ang Quarter Pounder or double cheeseburger, matagal-tagal pa. In terms sa beef patty, paborito ko ang Whopper ng Burger King at Big Classic ng Wendy’s. “Grilled” kasi ang mga beef patty nila. Lalo na yung Triple Big Classic ng Wendy’s pagkatapos kumain nito, pwede ng mangmasaker ng isang libong jologs at ipabitay kinabukasan. Pero syempre, the best ang burgers ng Brother’s Burger. Anong parte kaya ni Big Brother ang ginagawang beef patty?
Fact: Hamburger ang mga inhabitants ng Hamburg, Germany.
My Analysis: Ang hamburger ay gawa sa giniling na laman ng mga tao sa Hamburg, Germany. Yummy!

French Fries
Laging katerno ng mga burgers ang fries. Ang Jollibee dati, lasang kamote ang kanilang french fries. Kaya hindi ko gusto ang fries nila dati, kasi hindi rin naman ako mahilig umutot. Ngayon, ang french fries nila ay maayos na ang lasa, hindi na mapapautot pagkatapos kumain nito. Ang fries naman ng McDonald’s ay usually maalat, pwede ibenta ang mga bato sa kidney sa mga jewelers pagkatapos kumain ng fries nila. Sa Burger King, matabang naman, aakalain mong wala kang dila habang ngumangata nito. Gusto ko yung fries ng Wendy’s kasi mahahaba at matataba ito compared sa fries ng ibang fastfood. Syempre ang fave ko ang fries ng KFC, parang mashed potato french fries siya. Mas bagay iterno sa gravy kaysa sa ketchup.
Fact: Hindi sa France nag-originate ang french fries kundi sa Belgium.
My Analysis: Mas masarap ang kili-kili ng babaeng Belgian kaysa sa babaeng French. Mabuhok kasi ang kili-kili ng French.

Spaghetti/Istapegi/Sapageti
Isa sa pinoy fave ang italian dish na ito. Ayoko sa lahat ang istapegi ng Jollibee, lasang ketchup at parang red dye lang ang sauce na ito. Gawa yata sa balat ng higanteng bubuyog. Sa Wendy’s at Burger King naman, bland ang mga spag nila. So far, medyo umaayon lang ako sa spaghetti ng McDonald’s, may tamang asim lang ng tomato sauce at di gawa sa ketchup. Hindi naman kasi nila expertise ang pasta dishes kaya kung pasta lang ang hanap pumunta na lang sa ibang lugar at gumala sa kawalan.
Fact: Ang pasta ay pinapaniwalaang nanggaling sa China, ngunit may mga research na lumalabas na nanggaling ito sa mga Arabs na nagpopulate sa southern Italy.
My Analysis: Para walang away, lagyan na lang ng spaghetti sauce ang ibabaw ng pansit canton.

Fried Chicken

Lahat yata ng bata paborito ang manok. Ang Fried chicken ng Mcdo minsan ay maalat. Wala kasi silang basic formula para sa kanilang mga Fried Chicken nila. Sa Wendy’s and Burger King, pareho lang at bland ang lasa ng chicken nila. Syempre sa KFC, forte nila yun, pero minsan depende rin sa branch. May mga branches ng KFC na maalat ang timplada ng original recipe nila. Gusto ko pa rin ang Chickenjoy ng Jollibee. Kapareho niya ang lasa ng Popoy… este Popeye’s Chicken.
Fact: Ang chicken meat ang reference point ng lahat ng meat; “Taste like chicken.”
My Analysis: Hindi naman ginagawang reference point ang aming male genitalia sa ibang karne.

Verdict: Sa lahat ng mga fastfood na nabanggit ko, obvious naman kung ano ang pinakamasarap sa lahat. Tinatanong pa ba yun? Syempre ako ang pinakamasarap sa lahat.

TASTES BETTER THAN CHICKEN!