Untold Theories

Maraming misteryong itinatago ang ating mundo at ang ating buhay. Kung kaya’t nagsulputan na ang iba’t ibang mga scientists at mga theorists para bigyang linaw ang mga kababalaghang ito. Kaya nga tayo nag-aaral ng iba’t ibang branches of science mula elementary hanggang college para sagutin ang ilang tanong sa ating isipan. Unless gumagawa kayo ng kababalaghan sa last row ng classroom or nakikipaglaplapan sa inyong girlfriend—or other girlfriend—habang nagtuturo ang inyong teacher sa subject na ito.

Likas din akong palaaral kaya naman may mga theories din ako. Talagang kinalkal ko ang kasuluk-sulukang mundo ng aking utak malaman lang mga pwedeng sagot sa ilang katanungan.

Theory of World’s Existence

Siguro marami na kayong narinig or nabasang mga theories kung paano nabuo ang earth. Nariyan na yung Big Bang at kung anu-ano pang mga cosmological theories. Iba ang theory ko sa kanila, malamang wala pang nakakarinig ng aking version. Naniniwala ako na ang ating mundo ay isang malaking kulangot lamang. Tama, ang mundo ay gawa sa kulangot.

Nagsimula ang earth sa isang mumunti at pagkaliit-liit na particle ng universe. Isang maliit, moist at malagkit na space dust lang ang pinagsimulan ng earth; isang mumunting kulangot. At dahil nga madikit ang kulangot, nag-attract pa ito ng iba pang space dust na kulangot sa ating galaxy hanggang lumaki ito ng husto at mabuo ang isang massive na kulangot. At dahil nga moist ang kulangot, nagsecrete ito ng mga fluids hanggang sa mabuo na ang mga tinatawag nating bodies of water ng mundo. Kaya nga maalat ang tubig dagat natin dahil wala naman itong pinagkaiba sa uhog o sipon. Since may moisture, dun na nagsimula ang buhay.

Kaya nga naniniwala akong isang sign na ng apocalypse kapag naging green na ang ating tubig at naging malapot na ito. Hudyat na tuluyan ng magiging tuyong kulangot na ang mundo kung nagkataon at pipitikin na lang ang earth palayo sa ating galaxy at magliliwaliw sa universe.

Theory of Evolution

Ayon sa Theory of Evolution, ang tao ay maaring nagmula sa pinakamalapit nitong kamag-anak sa mundo ng mga animal, ang mga hudas… este unggoy. Hindi ako sumasang-ayon dun. Ayon sa aking research at mga nabasa, ang tao ay nagmula sa mga palaka. Nag-evolve tayo mula sa palaka at kung paano ang transition nito from frog to humans, ayun ang hindi ko pa nari-research. Malamang ito ang tinatawag nating missing link para mabigyang lutas kung paano ba tayo naging tao.

Ang basis ko ng theory kong ito: The Frog Prince by Brothers Grimm.

Theory of the Chocolate Wheatfield

Disagree ako sa theory ni Koko Crunch na may kung anong chocolate na tumapon sa wheat field tapos poof naging chocolate breakfast cereal na. Maling-mali ang theory na yun. Ayun sa aking pananaliksik, may isang bayan na ang staple food nila ay chocolate, though may wheat field sila hindi nila pinapansin yun. Hindi pa uso ang mga toilet at CR’s noon kaya naman dun sila sa wheat field nagje-jebs. Naging fertilizers tuloy ng wheat field ang kanilang mga jerbaks kaya naman ang mga wheat field nag-evolve at naging chocolate wheat field na nga sila.

Ayan ang aking mga theories. Kung sakaling mapatunayan ang mga yan malaki ang chance kong makakuha ng Nobel Prize. Pero okay na rin sa akin kahit one year supply ng koko crunch ang ibigay nila sa akin.