Wandering the Wonders of the World

Meron ng bagong seven wonders of the world. Binase ang new 7 wonders sa botohan ng marami. Dahil meron ng bagong wonders of the world, meron din naman akong sariling version ng seven wonders. Hindi ito mga tourist destination, kundi mga talagang ka-wonder wonder talaga.

rebbet!!! rebbet!!!

1. President Bush
Bakit siya naging presidente ng USA? Nag-iisip ba siya? Karapat-dapat nga ba siya sa posisyon niya ngayon? Sinong dapat ipalit sa kanya? Si Arnold Shwarzzeneger? O si Larry Flynt?

umiiyak, kumakanta o najejebs?

2. PGMA
Bakit presidente pa rin siya? Gaano kataas ang heels na gamit niya? Effective pa kaya ang cherifer sa kanya? Bakit mahilig siyang umarte di naman siya artista? Totoo bang anak niya rin si Mahal? Si Mura?

Tao ba yan?

3. Michael Jackson
Totoo bang child molester siya? Totoo bang detachable ang ilong niya? Di ba afro-american siya, paano siya pumuti? Pumuti ba siya dahil sa sakit? O naisama lang siya sa pagkukula ng puting damit? What’s with the pantalong bitin? May career pa ba siya? Lalaki ba siya? Bukod sa ilong, ano pang parte ng katawan niya ang detachable? Bakit mas maganda pa siya kay Janet Jackson?

Woohoo!!! Nice view!

4. Maria Sharapova
Bakit ang ganda niya? Bakit ang sexy niya? Bakit ang galing niya pa sa tennis? Type niya kaya ako? Makaka-date ko kaya siya? Ano ba vital statistics niya? May kamukha kaya siyang Pinay? Pangarap na lang ba o magiging katotohanan pa?

Awoooo!!!

5. Marc Anthony
Anong meron sa kanya? Bakit patay na patay ang mga latina sa kanya? Bakit na-in love sa kanya sina Dayanara Torres at Jennifer Lopez? Gwapo ba siya? Mas gwapo pa yata ako sa kanya di ba? Ano bang attractive sa bangkay?

Alin ang mas masarap? Ang whopper o si Paris?

6. Paris Hilton
Bakit ba ang swerte niya? Hotel heiress, model, actress, singer, preso at sex scandal artist, ano pa ba kulang sa career niya? Sino pa bang hihigit sa kanyang pagiging overexposed? Ganun lang pala ang sumikat? Kaya ba maraming may sex scandals ngayon? Meron na rin kaya ako?

Matakot sa karma! Magsawa kayo sa pagmumukha niya!


7. Jobert Sucaldito

Bakit kailangan niya pang mag-exist? Need I say more?

Marami pang dapat isama sa aking Seven Wonders of the World. So far sila na lang muna nilagay ko, wala yata akong maisip ngayon. Lagi na lang nagwa-wander ang isip kong nagwo-wonder. Oh Wonder Woman, asan ka na ba? Suot mo ba ang yung wonder bra?