Simply Thanks

courtesy of: someecards.com

Ako’y lubusang nagagalak at umabot na sa isang taon ang aking blog. Kaya naman lubus-lubusan akong nagpapasalamat sa lahat ng bumati nitong nakaraang blogiversary ko. Inilalaan ko ngayon ang post na ito sa pagpapasalamat.

Una sa lahat, pinapasalamatan ko ang Billycoy Fans Club na kahit di pa nag-e-exist ngayon ay pinapasalamatan ko na sila in advance. Kung wala sila ay wala rin ako dito at kahit nandyan naman sila ay wala rin ako dahil nagwawala ako. Nagpapasalamat ako sa mga nauuto, nagpapauto at mga nang-uuto sa blog ko. Kung walang nagpapaloko ay wala rin naman ang loko-lokong katulad ko.

Nagpapasalamat ako sa matinding sikat ng araw na nagbibigay sa akin ng Vitamin D at sumusunog sa aking balat. Ganun din sa taglay na zinc ng iba’t ibang pagkain dahil tinutulungan akong magkaroon ng mahahalay na pag-iisip. Pinapasalamatan ko rin ang keyboard ng PC dahil kung wala ito hindi ako makakapagtype. Ganun din sa monitor dahil di ko mababasa ang sinusulat ko at higit sa lahat ang buong computer. Nagpapasalamat din ako sa aking mga kasuotan dahil kung wala akong suot ngayon marami na ang natakam at nang-rape sa akin. Pero kung may mangre-rape sa aking hot girl sabihin niyo lang, willing akong ma-rape!

Salamat din dahil virgin pa ako—hindi ko alam kung dapat nga ba yung pasalamatan. Nagpapasalamat din ako dahil mas lalong lumalala ang kalagayan ko, mas lalo akong gumagwapo. Pati rin dun sa mga naniniwalang ako’y wholesome, mabait na nilalang at hindi manyak, bibiyayaan kayo ng sangkaterbang kayamanan at unlimited supply ng White Rabbit from China. Sa mga di naniniwalang ako nga ay USB pa rin at sa mga patuloy pa ring tumututol, magkano ba kailangang isuhol ko sa inyo?

Syempre naman, hindi pwedeng kalimutan ang mga mambabasa, commentators, lurkers at dumadaan. Pati na rin sa mga nagwe-wet kapag nababasa. Ganun din sa ilang mga kaibigan na sumusuporta sa akin kahit hindi ko pa sila nalilibre o nati-treat man lang. Sa mga nakasama ko sa Makati Med Asylum, salamat sa inyo at napatunayan ko na rin sa marami na may silbi rin tayong mga baliw.

Pinapasalamatan ko na rin in advance ang magreregalo sa akin ng sariling domain na walang hinihinging kapalit. Nagpapasalamat na rin ako sa aking magiging sizzling hot juwawhooper kung kailan ka man dumating at titiyakin kong memorable ang ating popoy sessions… este pagsasama. Advance thanks na rin sa mga nais magregalo sa akin ng Macbook or iMac G5 at ng 2007 Ford Mustang. Pero higit kong pinapasalamatan ang magreregalo sa akin ng sex toys at porn movies.

Muli, maraming salamat sa puwet niyong may lamat.