SONB 2007: State of the Nation ni Billycoy 2007

Dumaan na naman ang isang taon sa ating bansa. Maraming nangyari, maraming nagbago. Nagkaroon ng bahagyang pag-angat sa ating ekonomiya kaya naman ang mga may dollars dyan hindi makapagpalit dahil nga bumaba ang palitan ng dolyar. Patuloy pa ring tumataas ang ratings ng mga baduy na mga programa sa local na telebisyon.

Nitong kamakailan lamang nakatanggap ako ng eroplanong papel sa loob ng aking bahay at may nilalaman itong liham sa loob.

“Strawberry Pretzel,
Magkita tayo sa parke mamaya may mahalaga akong ibabalita sa iyo.
Love,
Bavarian Munchkin
P.S. Huwag mong kalimutang isuot yung ibinigay ko sa iyong Hello Kitty na lingerie.”

Nu’ng sumunod na araw may natanggap naman akong origami ng swan sa tapat ng aking palasyo at may liham ulit sa loob nito.

“Bavarian Munchkin,
Sorry di ako nakapunta kahapon, wala kasi akong natanggap na liham mo. Pwede bang mamaya na lang.
Love,
Strawberry Pretzel
P.S. Hindi ko masusuot ang iniregalo mong Hello Kitty lingerie ngayon, namantsahan kasi ng tagos ko kahapon. Kaya naman yung Bad Badtz Maru na lang ang isusuot ko.”

Kaya naman nag-iwan na lang ako ng spaceship origami at may liham sa loob din.

“Hijo/Hija,
Na-wrong send po yata kayong mga haliparot. Saka kung may plano kayong magpopoyan ay huwag niyo munang ituloy dahil kadiri yun lalo’t may regla pa itong si Strawberry Pretzel.
Nagmamahal,
Ube Jam
P.S. Hindi na po uso sina Hello Kitty at Bad Badtz Maru ngayon, mas ‘in’ po ngayon ang Spongebob o kaya Mirmo de Pon.”

Gumagrabe ang init ng ating panahon ngayon kaya naman papasimulan ko na ang bagong proyekto na mapa-centralize na ang ating bansa upang di na tayo makaranas ng sobrang init. Laganap na rin ang krimen sa ating bansa at marami ding menor de edad ang nagsasagawa nito. Ipinapanukala ko na simula sa araw na ito ay binababaan ko na ang legal age; edad 10 pataas ay pasok na sa legal age para maaari na rin silang isama sa Bilibid kasama ang may mga pigsa at mga kurikong na preso.

Papasimulan ko na rin ang manhunt operation laban sa mga jologs at mga TH (Trying Hard) para naman mabawas-bawasan na ang mga sakit sa mata sa ating mga komunidad. Isasama na rin dyan ang mga emo dahil nais na lang din naman nilang magpakamatay ay tutuluyan na lamang sila para naman mabawasan na rin ang populasyon ng ating bansa. Tinatayang bababa ng 75% ang ating populasyon kapag natuloy ang proyektong ito.

Gagawin ko na ring isang araw bawat linggo ang pasok ng mga estudyante sa eskwela mula elementarya hanggang kolehiyo. Ganun din sa mga empleyado na twice a week na lamang ang pasok nila. Nais kong maging maligaya ang sambayanan ko para naman lahat happy na.

Marami pa akong isasagawang pagbabago sa ating bansa kaya naman magtulung-tulungan tayo itatag ito. Maraming salamat po.

Iba pang SONB:
SONB 2006: State of the Nation ni Billycoy 2006