Move Over Cellphones

Huwag kayong magtataka kung sa mga susunod na araw ay may nakikita kayong naglalakad sa kalsada na may hawak na landline at nakikipagtelebabad pero wala namang kable ang landline phone na hawak nila. Weird pero totoo dahil narito na ang Bayantel Span, ang landline na mobile. Nagulat nga ako ng minsang makakita ako sa may amin na naglalakad at dala-dala nga ang kanyang dambuhalang landline while making telebabad. Sa gulat ko nga parang gusto kong magpalamon sa aso naming minpin na dala-dala ko nang araw na yun.

What’s the difference of bayanSPAN versus other regular landlines?
You can it bring anywhere within a local area

Unlike regular landlines where you can only receive calls in your house bayanSPAN allows you to receive important phone calls even if you are outside your home, like while visiting the parlor or shopping at the local grocery store.

Send FREE text messages to other phones within the bayanSPAN network in Metro Manila!

May caller ID, call waiting, call forwarding at kung anu-ano pang features sa pagtawag. Wala nga lang itong camera at TFT display para makapagkodakan at mag-view ng pics. Pero bukod sa mga features na yan ay meron pang pwedeng gawin sa phone na iyon.

Entertainment
Sa mga cellphones, hindi magagamit ang games habang may kausap. Sa unit na ito meron ng pwedeng pagkaabalahan habang may kausap. Pwedeng pag-ikot-ikotin ang mga daliri sa kurdon ng telepono habang may kausap o di kaya pag-aralan ang iba’t ibang klase ng knots.

Self-defense
Pwede itong ipanghambalos sa mga nagtatangkang mang-kidnap o mang-holdap. Maaaring ipangsakal ang kurdon nito sa leeg ng mga kaaway hanggang sa di na sila makahinga. Pwede rin itong ipanggapos sa mga walang awang kriminal.

Personal Hygiene
Maaaring gamiting pangkulangot or panghintutuli—kung malaki at expandable ang butas ng tenga—ang antenna nito kapag bitbit ang unit sa labas.

Marami pang pwedeng features kapag nakapag-subscribe na para dito. Wala naman akong planong magpakabit niyan at hindi ko siya pinopromote, may cellphone naman ako. Kung meron man akong gusto ngayon ay hetong telepono ng Goldvish.


Asahan kong ibibigay niyo sa akin ang worth 82,000 dollars na phone na yan.