Makeover Me Bad

Marami na talaga ang naloloko ng aking hitsura. Hindi lang isa o dadalawa ang nagsasabing napakabait o mala-anghel ang aking hitsura, marami na sila. Kinakapa ko nga ang aking ulunan baka may halo na ako sa ulo at ang aking likod kung may tumutubong pakpak. Wala naman, ang alam ko meron akong buntot, hindi sa puwet kundi sa harapan.

Kahit anong subok ko lumayo sa ganung image talagang ‘good boy’ ang tingin ng marami sa akin. Nalaman ko pa man din na ang gusto rin pala ng mga girls ay yung may angas—hindi anghit—o yung bad boy ang dating. Kaya naman nagsasagawa na ako ng makeover plan para maging ‘bad’ naman ang tingin sa akin kahit papaano.

  1. Magsusuot na ako ng black leather jackets or tsaleko kahit na init na init ako sa ilalim ng araw.
  2. Kung di uubra ang black leather jackets, hapit na sando or magta-topless na lang akong naglalakad sa loob ng mall exposing ang mga buhok ko sa kili-kili at ang aking karugbol.
  3. Magpapa-semi-kalbo na rin ako tapos yung parang graffiti pa ang style ng pagkaka-semi kalbo.
  4. Magpapabutas at magsusuot na rin ng hikaw sa kung saan-saang parte ng katawan, pati na sa talampakan, palad, sa kuko, sa daliri, sa bilbil, sa siko, sa tuhod at pati sa ‘helmet’.
  5. Magpapa-tattoo ako ng malaking tiger sa aking likuran na parang ganito. Hindi ko po likod yan.
  6. Hindi na gagamit ng deodorant/anti-perspirant para mas lalong lumabas ang manly angas scent.
  7. Kakain na rin ako ng mga street foods lalo na ang kwek-kwek dahil nakakatulong ang mga street foods na magbigay ng bad image.
  8. Makikisali na rin ako sa mga rambulan at mga gangwar.
  9. Aapak ako sa mga damuhang may signage ng “Keep off the grass”
  10. Magpapabagsak ako ng mga kilalang skyscrapers at mga eroplano sa iba’t ibang parte ng mundo.
  11. Papanoorin buong magdamag ang MTV ni Michael Jackson na Bad hanggang mag-sink in sa aking sistema ang kanta.
  12. Panoorin ang mga movies ni Binoe.
  13. Lagi ng magdadala ng baseball bat at kadena.
  14. Babaguhin ko na rin paglalakad ko yung sway niya ay sideways from the back instead na yung normal na back and forth.
  15. Magsusuot na rin ako ng mga nagkakapalang mga bling-bling.
  16. Higit sa lahat para makumpleto ang bad boy image, pupuksain ko na lang lahat ng mga jologs, feelingeros, TH’s, at mga social climbers.

Kailangan talagang gawin ko ang mga iyan para magkaroon naman ako ng konting image na maangas. Watchathink guys? Ano pa pwede kong gawin para magkaroon ako ng bad boy image?