Struck by a Star

Grabe ang init ng panahon ngayon. Tumatagaktak talaga pawis ko kapag di ako natatapat sa electric fan o aircon. Tumingala ako sa langit “parang ganito ang panahong iyon, mainit at humid”. Kasabay ng pagpatak ng aking pawis ang pagbabago ng paligid; nagkakaroon muli ng water effect.

The Arrival

Isang taon ng mahigit noong nagbakasyon kami ng barkada ko sa Bicol. Holy week pa nga nu’ng pumunta kami doon. Grabe ang biyahe at nalamog kami ng mahigit kalahating araw sa loob ng sasakyan, giniling na nga yata ang mga kalamnan namin sa haba ng biyahe. Nang dumating na kami sa aming paroroonan, naligo at diretso tulog kagad kami sa tindi ng hapo at pagod.

Nakatulog naman kagad kami tapos maya-maya ginising na kami, mamamasyal daw muna kami. DALAWANG ORAS pa lang ang tulog namin. Gusto ko ngang mag-super saiyan at ibalibag sa ere with matching helicopter kick at i-german suplex ang gumising sa akin dahil bugnutin ako kapag nabibitin ang tulog. Pero dahil nga BFF kami ng mga kasama ko hindi ko na lang ginawa at nag-stroll na lang kami sa ilalim ng buwan na di nagta-transform to wolf overviewing Mayon volcano by the side.

Convenience Store

Pumasok muna kami sa isang convenience store at bumili ng mga anik-anik na makakain at mga pangangailangan namin. Mukha namang normal ang mga namimili doon, so far wala naman kaming namimiling mga manananggal at wakwak. Hindi rin naman mambabarang ang mga tindero sa loob, parang 7-11 lang din ang convenience store na yun.

Maya-maya meron akong weird na naramdaman. Multo ba yun? Hindi naman yata, pero nagbago bigla pakiramdam ko. Paglingon ko sa kabilang aisle merong tatlong kabataan, wala namang kakaiba sa mga nilalang na ito maliban na lang sa isa dahil badaf siya. Hindi naman sila mga tiyanak o maligno pero nagkakagulo sila. Hindi rin ako natatakot sa kanila, nabigla lang ako sa hawak nila. Hindi iyon kutsilyo o mas lalo namang hindi dildo. May hawak silang cellphone camera at kinukuhanan ako ng picture.

Paparazzi Kids?

Gusto ko man sanang mag-strike-a-pose para sa kanila kaso hindi ko magawa kasi nga bagong gising lang ako at magulo pa ang hitsura ko. Kaya naman todo-iwas ako sa pagkuha nila ng picture sa akin at talagang gumalaw-galaw ako para di sila makakuha ng good shot sa akin. Persistent talaga sila sa pagkuha kahit di naman ako artista.

Nakapila na ako sa counter at babayaran ko na ang aking mga nabili. Hayun pa rin sila sinusundan at kinukunan ako ng picture. Nagtatawanan na ang mga repakuls ko sa loob ng convenience store samantalang ako’y nagiging langgam na sa kahihiyan. Palabas na ang kaibigan ko nang bigla niya akong tinuro at nagsisigaw na “STARSTRUCK YAN! STARSTRUCK YAN!” sabay takbo palabas at naiwan ako sa loob ng store. “Syet! Nakakahiya di ako Starstruck, Star Circle ako!” sa isip-isip ko. Nilapitan ako ng badaf at tinanong ako “Kuya, Starstruck ka?” Umiling na lang ako at nag-teleport palabas ng store.

————-

Ganun pala ang pakiramdam ng mga artista kapag magulo ang kanilang buhok at kinukuhanan ng picture. Kaya pala umiiwas sila sa media kapag bagong gising. Ang sarap pala ng feeling ng mga artista. Sana may mag-ala paparazzi ulit sa akin, pero huwag naman kapag bagong gising ako.

ANO ‘TO?

Mga isipan at muni-muni na walang kwenta, kalokohan, kagaguhan, kabalahuraan, kaututan at katarantaduhan. Nilikha para sa mga isinasantabi pansamantala ang kanilang katinuan.

Subscribe to Blog via Email

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Feedback and suggestions. Kape tayo? i.am@billycoy.com