Taste Not to Forget

Napakasarap ng ulam namin kagabi. Naparami nga ulit ang kain ko at nakailang pabalik-balik na rin ako sa hapag-kainan. Kapag ganun ba naman kasarap ang nakaharap sa dining table ay talagang hindi mapipigilang kumain ng marami. Ano ba ang ulam namin? Simple lang naman, Nilagang Baka!

Ano ba ang kakaiba sa nilagang baka na ito at nabusog ako ng husto?

Ang karne ng baka ng ulam namin ay napakasarap at napakalambot. Mistulang chocolate na natutunaw na lang sa bibig sa kalambutan. Malasang-malasa pa ang karne niya, fresh na fresh at hindi galing sa karne ng matandang baka.

Lasap na lasap ko pa nga yung damong kinain ng baka. Parang sa Pangasinan pa nga galing yung baka, kasi parang ganun lasa nung damo. Sa Tondo pa nga kinatay kasi nalasahan ko rin yung itak na ginamit pangkatay dun sa masarap na baka. Nalalasahan ko kasi yung iba’t ibang dugo ng baka sa ginamit na itak. Yung nagkatay naman ay taga-Novaliches, malalasap din kasi yung pawis niyang tumagaktak dun sa karne ng baka.

Yung repolyo naman galing Baguio. Malutong at sariwa pa kasi. Saka nalasahan ko yung matabang lupang pinagtaniman nitong repolyo. Hindi nga yata ginamitan ng artificial fertilizers, kasi matitikman dun sa repolyo yung manure na ginamit pampataba sa lupa. Medyo may konting pesticide pero nahugasan naman ng maayos ang tanim.

Ang patatas rin ay napakasarap, malambot at mashy. Galing Bulacan naman yata itong patatas. mataba rin kasi ang lupang pinagtaniman nito. Pero medyo may nalasahan akong kakaiba, parang dumumi yata yung alagang kambing sa pinagtaniman ng mga patatas nito. Pero as well, masarap pa rin naman yung potato.

Hindi ba’t napakasarap ng ulam namin. Pasensya na kung maraming natakam sa simpleng ulam namin kagabi. Mamaya porkchop steak ang ulam namin, gusto niyong malaman ang lasa? Ano ang ulam niyo ngayon? Ano ang lasa?

ANO ‘TO?

Mga isipan at muni-muni na walang kwenta, kalokohan, kagaguhan, kabalahuraan, kaututan at katarantaduhan. Nilikha para sa mga isinasantabi pansamantala ang kanilang katinuan.

Subscribe to Blog via Email

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Feedback and suggestions. Kape tayo? i.am@billycoy.com