Doing the Deed… Alone

Nung kamakailan naiwan ako sa loob ng bahay. Mayroon kasing kailangang asikasuhin ang pamilya at ako ang napiling maging security guard ng bahay. So far sa pagbabantay ko ng aming tahanan, wala namang nagbalak na mangloob para gumawa ng kaguluhan at house party. Pero kapag mag-isa pala sa bahay may isang bagay na hindi maiiwasan.

Mag-isa ako sa bahay, hindi ko maiwasan ang init ng aking damdamin. Hindi ko nga alam kung ano ang pumasok sa aking isipan at hindi ko napigilang gawin yun. Kailangan din kasing gawin ang bagay na yun at pakawalan ang bugso ng damdamin. Kapag hindi ko nagawa yun malamang kung ano pa ang mangyari sa akin.

Kaya inalis ko na kagad ang saplot at sinimulan ng himas-himasin. Malamig at malambot siya kaya naman hinimas ko pa lalo. Masarap pala sa pakiramdam. Kaya itinuloy ko ang paghimas, umabot ang mga kamay ko sa iba’t ibang parte ng katawan. I choked the chicken. Himas lang ng himas habang may ipinapahid pa ako para mas lalong sumarap ang pakiramdam.

Ibinuhos ko pa ang madulas na bagay dito. Unti-unti ng nag-iinit, naramdaman ko iyon sa aking mga palad. Kaya naman nagmadali ako pinaspasan ng husto. Maya-maya lamang ay pumutok na ito. Tapos pumutok pa ulit hanggang sa di naglaon tumigil na ang pagputok nito. Ang sarap. Masaya akong makita ito ng ganun.

Ang sarap talaga. Ganun pala yun. Ganun pala ang magprito ng manok. Hindi maiiwasan dahil wala kaming kakaining hapunan kung di ko gagawin yun.

Ano ba ang iniisip niyo?