Turning Black


Ano ba itong nangyayari sa akin ngayong araw na ito? Gumising akong ang bigat-bigat ng pakiramdam ko kahit wala namang nakapatong na mabigat sa aking katawan. Iba talaga ang pakiramdam ko hindi ko ito maunawaan.

Pagmulat ko ng aking mata iba na ang pakiramdam ko. Pagtingin ko sa sarili ko nagulat na lang ako at may makapal na black eyeliner sa aking mga mata. Tapos humaba ang aking bangs, one sided at halos natatakpan na ang aking mata. Naging jetblack na rin ang buhok ko at very damp and sleek. Oh my gulay damahayhay! Nagiging emo na ako.

Sa mga oras na ito nagugustuhan kong makinig ng mga kanta ng My Chemical Romance, Dashboard Confessional, Green Day at 30 Seconds to Mars. Hindi ko naman sila mga paboritong mga banda pero napapakanta ako ng mga tugtugin nila. Ayoko ng ganitong mga kanta, nade-depress ako lalo at nagkakaroon ng mga madidilim na ulap sa aking paligid. Ganun pala ang emo, napapakanta ako ng “Wake Me Up when September Ends” at ng “Macarena”.

Nag-iiba na rin ang mga paningin ko sa lahat ng matatalas na objects gaya ng mga kutsilyo, blades, cutter at sa plastic knife ng mga fastfood chain. Parang tinatawag nila ang aking pangalan at pinipilit nila akong hiwain ko ang aking mga pulso. Ganun din sa mga lubid, abaca, straw, sinulid at sa dental floss. Kanina ngang nagfo-floss ako, gusto kong ipulupot yun sa leeg at isabit para magbigti na ako. Buti na lang may malaking tinga akong nakasingit sa ngipin kaya ipinangtanggal ko na lang yung dental floss.

Ayoko ang maging emo… hindi siya fashionable. Very limited ang colors na pwedeng piliin kapag emo. Sana naman paggising ko wala na itong eyeliner sa aking mata at bumalik na sa tamang haba ang aking buhok. At please ayoko ng kumanta ng Macarena, napapasayaw kasi ako!

Mag-ingat sa Emotrambiosis… sakit na nakakahawa ito sa pamamagitan ng pag-inom ng uhog at luha ng may sakit na ito.