Miss You Like Crazy

I miss you like crazy
Even More than words can say
I miss you like crazy
Every minute of every day
Girl I’m so down when your love’s not around
I miss you, miss you, miss you
I miss you like crazy
lyrics from Miss You Like Crazy
by Moffatts

Nami-miss ko na talaga siya. Almost two weeks na kasi siyang hindi bumabalik sa aming bahay kaya nga nag-aalala na ako sa kalagayan niya ngayon. Nasaan na kaya siya? Kailan pa kaya siya babalik sa amin. Nawawala kasi ang aking pussy!

Napulot ko ang aking pussy dun sa aming terrace, pusakal lang siya pero ang cute-cute niya kasi kaya naman lagi namin siyang dinadalaw doon at binibigyan ng pagkain. Medyo mailap pa siya nu’ng pussylet pa siya at hindi pa namin siya inaampon. Pero nu’ng naisipan na namin siyang i-adopt mabilis naman siyang umamo sa amin.

Naging maselang pussy nga siya nung inampon na namin siya. Hindi siya kumakain ng mga tira-tirang pagkain at kailangang laging Whiskas ang food niya. Minsan naman Friskies kapag walang mabili sa palengke. Minsan din naman kumakain siya ng isda, pero hindi yung mga gunggong… este galunggong, tilapia, sapsap o bangus. Gusto niya ay tuna in can, at hindi yung flavored or yung in vegetable oil, kailangang “in brine”. Sosyal ang pussy namin, alta-sociedad siguro nung past life niya.

Regularly din namin siyang nililinisan at pinapaliguan para lagi siyang mabango at malinis. Pinapaliguan namin siya palagi ng Lactacyd… este ng Sunsilk para mabango parati. Sino ba ang gusto ng amoy ng mabahong pussy? Sumasampa kasi siya sa mga sofa, sa kama at laging tumatabi sa tao, lalo na sa akin. Malapit talaga sa akin ang pussy na iyon. Lagi niyang kinikiskis ang kanyang sarili sa akin kaya naman nakikiliti ako sa kanyang balahibong pusa.

Tuwang-tuwa naman ako sa kanya kapag nilalaro ko siya. Lalo na kapag medyo kinakagat-kagat niya ang aking mga fingers. Ang sarap kasing laruin siya gamit ng aking mga daliri kahit na kadalasan nakakalmot na niya ako. Nanggigigil kasi siya kaya hayun nasusugatan ako. Nakikiliti siguro sa mga daliri ko.

Ang ayoko lang sa kanya, minsan kasi sumusuka siya sa aking kama. Kaya hayun napipilitan akong magpalit ng kama at bed sheet nang di oras. Ganun yata talaga ang mga pussy kapag nangangati at di mapigilan ay sumusuka na lang bigla.

Kaya hayun, nami-miss ko na ang aking alagang pussy. Asan na kaya siya? Sana bumalik na siya.

Teka, anong pussy ba ang iniisip niyo?