Mouthwatering

Yummy di ba?

Isa sa mga kinaiinisan ko kapag naglalakad sa kalsada ay yung mga taong dura ng dura. Dura dito, dura doon. Kulang na lang ay pumunta sila sa ulap at gumawa ng ulan ng laway sa buong bansa. Bakit ba kasi hindi nila mapigilan ang pagdudura? Siguro mabaho at nalalason sila sa sariling laway.

Hindi naman nakamamatay ang paglunok sa sariling laway kaya bakit ba dura pa rin ng dura. Ang laway pa nga ang tumutulong sa pag-digest ng ating mga kinakain. Nakakatulong nga rin itong protektahan ang ating bunganga sa mga bacteria. Mabuti sana kung may plemang malapot at green na green pa ang ilalabas—nila pero sa tamang lugar naman. Hetong mga ‘spitters’ na ito, they better go back to kinder and study physiology.

Dapat nga nagse-save pa sila ng mga laway nila dahil makakatulong din ito sa kanila in the future.

  • Panglaban ito sa dry spell or drought. Ipunin lang ang laway at pwede na itong gamiting inumin o kaya pangligo sa katawan.
  • Kapag nalaos na ang e-mail. Siyempre balik snailmail kapag nangyari at ano ba ang pandikit sa mga selyo at panglakip ng mga envelopes, syempre laway.
  • Sa mga kaaway. Kapag may sinabing masama o nakakapahamak ang kalaban, duraan lang sa mukha, effective na pang-insulto. Take it from the movies and TV series.
  • For hairstyling. Spit an ample amount on palm, spread on hair and style as desired.
  • For shoe polishing. Spit on leather shoe, spread and wipe to shine. Kahit anong kulay pa ng sapatos pwede, unless kulay black or brown ang saliva.
  • Pamatay sa sigarilyo. Duraan lang ang sigarilyo kapag tapos ng gamitin para mamatay na ang baga at usok.
  • Tulong sa bumbero. Kung walang tubig sa lugar, duraan na lang ang nasusunog na establisimiyento, tulong-tulong na lang sa pagdura para maapula kaagad ang apoy.
  • During steamy nights. Kapag walang available na lubricants mainam na alternative ang laway.

Kaya naman huwag ng dumura sa paligid, unethical na kadiri pa lalo’t kung may tao pang maduduraan. Sige, baka kayo ang maduraan dyan at ang masama pa dun ay yung may kasama pang plema!