Raindrops are Pouring on my Head

Grabe ang nagdaang linggo. Dumaan kasi ang ilang bagyo nitong mga nakaraang araw. Senyales lang na effective ang ginawa kong rain dance para maibsan ang tinatamasang dry spell ng ating bansa lalo na sa part ng Luzon. At talagang nag-rain dance ako in the nude para talagang umepekto, yun nga lang sumobra yata.

Malamang nagdiwang na naman ang maraming students noong nag-declare ng suspension of classes ng ilang araw, 3 days sa isang linggo. Well, kaming in the workforce ay hindi na-enjoy yun. Bumaha ba naman sa karamihang parts ng Metro Manila kaya naman nahirapan kami sa pagpasok sa aming mga offices para lang makapag-trabaho.

Kaya ako rin nahirapan last week dahil nga sa lakas ng buhos ng ulan ay binaha din ang lugar namin. Gagamitin ko na nga sana ang luxury ship ko para pumasok ng trabaho kaso naisip ko na maliliit nga lang pala mga streets ng Metro Manila at baka masira ko lamang ang mga kabahayan na madadaanan ko. Kaya pinili ko na lamang na gamitin ang aming yacht papasok ng office.

Nang dumating ako ng office ay hindi pa rin talaga tumitila ang malakas na buhos ng ulan. Kahit nga kumakanta na ako ng “Rain Rain Go Away” ay hindi pa rin ito tumitigil, sa halip ay lumakas pa ito lalo. Sintunado siguro ako kaya hayun, lumakas lalo ang ulan. Maya-maya lang ay tumaas na nga ang tubig at binaha ang harapan ng building na aking pinapasukan.

Nang nakita ko nga ang tubig sa labas ay nalungkot ako. Hindi dahil mahirap umuwi sa ganitong kalagayan or maraming langgam ang nilunod ng baha, kung hindi dahil nalimutan ko ang aking goggles, swimming trunks at snorkel para sana mag-swimming ako sa baha. Kaya naman labis ang panghihinayang ko. Though pwede naman akong mag-skinny dipping sa baha ay hindi ko na lang ginawa kasi wala nga pala akong dalang tuwalya. Baka magmukha lang akong mummy kung tissue ang gamitin kong pampatuyo.

Humihingi ako ng patawad sa inyo dahil ako ang dahilan ng sunud-sunod na pag-ulan nitong nakaraang linggo. Kaya nga ipinapangako kong hindi na ako sasayaw ng raindance habang sinasabayan sa pagkanta ang mga music video sa MYX.

Ay syet, Ulan ng Cueshé sa MYX. Kanta muna ako saka na pangako ko. Bahala na kayong ulanin dyan!