Start with a Smile

Ang araw ay dapat laging magsimula ng maganda, dahil kapag nagsimula ito ng di maayos ay malamang buong araw na ang topak. Kaya naman mas masarap sa pakiramdam na start a day bright and smiling para magandang aura din maipapakita natin sa iba.


Mistaken

Pagmulat ko ng aking mga mata kaninang umaga, bumaba kagad ako mula sa aming kwarto. Dumiretso sa CR at ginawa ang morning ritual—ang maghilamos ng weewee… este ang magweewee at maghilamos. Pagkatapos ay humarap ako sa salamin, tiningnan ang kahubdan ng aking sexy body, nagflex ng muscles at nag-unat-unat. Bago ako pumunta sa kusina para i-ready ang aking almusal tiningnan ko muna ang dyaryo namin. Bumagsak bigla ang aming kabahayan at nadaganan ako ng mga debris kaya naman hindi na ako makahinga sa mga nabasa ko.


Kamukhang kamukha daw kasi ng bangkay ang isang nawawalang kaanak na taga-Las Piñas. May tama ng baril ang nasabing bangkay. Naisipan daw muling tawagan ng isang kamag-anak ang selepono ng sinasabing bangkay pero laking gulat daw ng mga kamag-anak nito ng may sumagot dito at nabatid nilang alive and still kicking pa sa lugar ng Masbate. May napuna nga rin daw ang isang kamag-anak nito na ang nunal nito sa kaliwang pisngi ay nalipat sa kanan kaya naman na-realize nga nilang hindi pala talaga nila kamag-anak ang nasabing bangkay.

Kaya naman hindi ko napigilang matawa sa nabasang balita nitong umaga. Kung ganyan ba naman ang sasalubong na headline sa akin tuwing umaga eh di ang saya-saya na ng daigdig ko. Nalaglag na yata ang bituka ko sa sahig, natae na rin yata ako at bumaho ang buong kabahayan sa aking katatawa sa balitang ito. Hay naku, mga balita talaga ngayong panahon na ito.

Ang tanong ko lang, sino ang may kasalanan? Ang bangkay o yung nunal?

Smile

Pagdating sa turismo ay talong-talo tayo ng ating mga kapitbahay na bansa lalo na sa bansang Thailand. Though, kilala ang bansa natin very hospitable at palangiti sa kabila lahat ng mga trahedyang dumadaan at krisis sa ekonomiya. Pero nito ko lang nalaman ay daig pa rin pala tayo ng mga Thai pagdating sa pagngiti at yun pa ang tumutulong sa kanila para lalong umangat ang kanilang turismo.

Siguro panahon na para baguhin na nating mga Pinoy ang ating mga ngiti. Kaya naman panawagan ko sa aking mga kababayan at sa Department of Tourism ay unti-unti na nating pag-aralan at higitan pa ang smile ng mga Thais para umangat pa lalo ang turismo natin. Heto ang isang sample kung paano ngumiti ang mga Thais.

Smile na rin kayo!