Guidelines of Fame

Napakadali na lang ang sumikat sa panahon ngayon. Kung anu-anong mga reality shows ang naglalabasan sa TV tapos marami na rin ang nakikilala sa YouTube. Marami ang sumisikat sa TV, movies, radyo, mga print media at maging sa internet, kaya’t hayun kung sinu-sino na lang ang naglalabasang mga celebrity ngayon. Paano nga ba malalaman kung sikat na ang isang celebrity?

  • Nagkakaroon na ng maraming fans at supporters (hindi yung jockstrap)
  • Marami rin ang bumabatikos
  • Laman na ng mga tabloids, dyaryo, magazines, billboards at tissue paper
  • Ginagamit na ang pangalan para sa brand ng hotdogs
  • Pinagkakaguluhan ng media ang private life
  • Pati putok at singaw ng celebrity ay pinakikialaman na rin
  • Bago sumakay ng elevator ay nagpapa-spray muna ng disinfectant air freshener
  • Pinapalayas ang may-ari ng building sa elevator
  • Kinakaaway na rin pati mga kapatid
  • Nakikipagbati sa mga kapatid
  • Nagpapakasal sa mayamang Turko
  • Nakikipaghiwalay sa mayamang Turko
  • Nagkakaroon ng juwawhoopers na dating title holder sa isang beauty pageant
  • Nakikipag-away ang manager sa management
  • Lumilipat na ng istasyon
  • Bilyon-bilyon na ang kinikita sa nagawang computer company
  • Naisasama na sa dictionary ang pangalan
  • Kumakandidato sa election kahit wala naman talagang alam dun
  • Pinagkakaguluhan ng paparazzi
  • Sikat na kapag madalas na mahuli ng pulis dahil sa drunk-driving.
  • Dinadala na sa presinto para makuhanan ng mugshots at makukulong for a few minutes/days.
  • Labas-masok na sa mga rehabilitation centers.
  • Wala ng magawa sa buhay at pumupunta sa iba’t ibang parte ng mundo para lang mag-ampon ng bata.
  • Meron ng sex video nang hindi nalalaman
  • Kamukha lang pala ang nakalagay sa sex scandal
  • Gumagamit na ng pabangong Jo Malone at nagrereklamong nasasapawan siya ng mga pabangong Axe at Charlie
  • Pinagkakaisahan ng Lynch Mob.
  • Umiiyak sa harap ng TV dahil daw pinepersonal siya ng isang tao
  • Binabara ang iyakin sa TV
  • Nakiki-ride na rin ang gobyerno
  • Wala na talagang magawa sa buhay
  • VIRGIN PA

Ilan lang yan sa mga palatandaan ng pagiging sikat. Kaya kung taglay niyo ang lahat ng mga iyan ay walang dudang sikat na nga kayo. Kaya kung nais niyong alamin ang kasikatan niyo ay sundin lang ang aking guidelines.

Pero para mas lalo pang sumikat ay gayahin lang ang pinaggagawa ng batang ito.

Hindi ko na yata kailangang gawin ang mga yan. Wala naman akong balak maging sikat pa.

Because I already am.