Apple Bites

Grabe na itong crisis na pinagdadaanan ng buhay ko. Kung sapat lang ang lakas ng aking demigod powers ay gugunawin ko na ang mundo ngayon. Pero dahil currently tine-train ko pa lang ang mga yun ay di ko pa magagawa ang bagay na yun. Gusto ko ng magwala at ihambalos ang fridge sa kanino mang makita ko sa daan.

Eh sino ba namang tao ang hindi maggalaiti sa galit, may new releases na naman ang Apple. Hindi ito yung Washington or yung Fuji na nabibili sa mga groceries at palengke. Yung Apple na pinamumunuan ni Steve Jobs. Nitong kamakailan lang ay nilabas na niya sa market ang pinakahihintay ng maraming phenomenal na iPhone. Unfortunately, sa ibang bansa pa ito naka-release. Darating ang iPhone sa Asia sa first quarter ng 2008 kaya naman ngayon huwag ng kumain ng lunch at itabi na ang mga allowances para sa susunod na taon. Huwag na ring mamasahe, gumising na lang ng maaga at maglakad na lang papasok sa school o opisina kahit pa nakatira sa Ilocos na pumapasok ng Maynila at balikan pa.

Tapos nitong nakaraang araw lang, lumabas na ang new sets of iPod! Syetness talaga! Lalo na yung iPod Touch na kamukha ng iPhone less the calling at camera features lang. Touch screen na rin at meron ding WiFi. Imagine makakapag-bloghop ako sa mga coffee shops na mayroong libreng WiFi habang lumalagok ng tap water ng Starbucks or Seattle’s Best. Higit sa lahat mapapakinggan ko na ang mga favorite kong music ng The Killers, Franz Ferdinand atbp. Higit sa lahat, makakapanood na rin ako ng porn kahit saan.


Naging mura na rin ang mga Macbooks at Macs sa atin simula ng maging Intel na rin ang mga processors nila. Kung noon ay nagkakahalaga ito ng tumataginting na 150K sa Macbook lang ay ngayon bumaba na ito sa kalahati ng presyo, 70K+ pesos na lang ito ngayon. Naglalaway na nga ako sa lahat ng Macs at Apple products sa lahat ng Apple Center. Dinidilaan ko na nga lahat ng windows ng mga Apple Center dahil natatakam na nga ako sa kanila.

Kaya ngayon ay todo kayod at kiskis ako sa aking business lalo’t mahina ang sholbam economy. Kung dati’y isa lang akong dakilang bugaw sa boogie wonderland, pati ako mapapasabak na rin sa pagsho-sholbam para magkaroon ng extra income. Palagay ko mataas pa naman ang rate ko lalo’t katakam-takam ako at virgin pa. Parang alak lang yan, mas lalong matagal sa storage mas nagiging mahal. Ganun din sa sholbam industry, mas matagal ng virgin mas mahal ang presyo… yata.

Kaya ngayon sisimulan ko ng i-bid ang sarili kong katawan. Kung dati ay binebenta ko ito ng por kilo, ngayon ay buo na. Kailangang ko ng isubasta ang aking katawan para makabili na ako ng mga gusto kong Apple products.


Start na ng bidding, starting ako sa price na 50,000 pesos. The highest bidder wins me for a night.

*sholbam (n.) manwhore, callboy, male prostitute. Credits to the Adbertaysers for this term.