Sinong tao ba ang ayaw sumaya? Halos lahat naman yata ng nilalang na nakakapag-isip ay kaligayahan lang ang goal sa buhay—bukod sa ligayang natatamo sa kama. Kung anu-ano na ngang mga kalokohan natin sa buhay para lang maranasan ang isang masayang buhay. Pero anu-ano nga ba ang nakakapagpasaya sa mga tao?
- Mga kaibigang laging nandyan para pag-usapan ang mga walang kakwenta-kwentang mga nangyayari sa mundo at buhay ng may buhay.
- Makapagtapos ng college at maging kasapi sa mga unemployed.
- Ang mga taong nakakainis dahil merong taong pwedeng laitin at pag-usapan.
- Ang mga pagkaing bawal na patuloy pa rin naman nating kinakain kahit na maraming masamang epekto ito sa ating katawan.
- Mga inumang walang humpay yung tipong isusumpa mo na ang alak paggising dahil sa tindi ng hangover pero kapag lumipas naman na ay hayan inom na ulit.
- Manalo ng jackpot prize sa lotto at ilibre ang buong baranggay hanggang sa maubos ulit ang napanalunan.
- Makapagpa-picture sa sobrang sikat na celebrity, minsan kahit sa mga standees na kagaya ng kay Piyulu Pascual sa Max’s Restaurant or sa Jollibee mascot statue.
- Lumabas sa mga news program ang mukha kapag nakiki-usisa sa mga reporter kapag nasa location ang nire-report niya.
- Matanggal sa puwesto ang mga nangungurakot at mga nangungulangot lang.
- Mapalaganap ang World Peace na nais ng mga beauty contestants.
- Sumayaw sa saliw ng awiting “Umbrella”
- Maranasan ang first kiss sa juwawhoopers or sa taong crush na crush.
- Makasama sa kama si Maria Ozawa (kung lalaki o tibo) o Brad Pitt (kung babae o badingger z) sa kama.
- Makapanood ng porn movie sa IMAX 3D. Imagine everything big.
- Magkaroon ng orgasm—lalo na kung multiple.
- Hindi na makita ang pagmumukha nila Cristy Fermin, Jobert Sucaldito, Madam Auring at Sam Melbi sa TV at dyaryo maging ang marinig ang boses nila sa radyo.
- Magbasa at gawin ang mga sinasabi sa mga walang kakwenta-kwentang sulatin kagaya ng blog na ito.
- Magkaroon na ng girlfriend at ma-devirginize na si Billycoy Dacuycuy.
Marami pang bagay ang pwedeng makapagpasaya sa atin. Kahit mga simpleng bagay o pagkakulang-kulang natin ay pwede ng pagtawanan. Pero kung napupunang humahagalpak na sa sahig at niluluwa na ang mga bituka, liver, gizzard at lamanloob sa tindi ng pagtawa kahit na mag-isa, malamang napapanahon na para kumunsulta na sa pinakamalapit na doctor. Kung malala na talaga, dalhin na lang sa mekaniko baka kailangan na ng tune-up ang utak.
Ano ba ang nakakapagpasaya sa inyo bukod sa popoy at pera?
Recent Comments