Home Shopping

Kahapon ay may dumating na package mula sa Hongkong. Akala ko ipinadala ito nila Jet Li at Jackie Chan, nagkamali pala ako. Padala pala ito ng aking aunt na nagtatrabaho doon. Sobrang laki ng box, nakaangat na nga yung front wheels ng freight service na nagdala sa aming package. Inakala nga naming elepante o blue whale ang laman ng kahon.

Kumuha na ng cutter ang mga pinsan ko at sundot pa lang ay biglang nagsabugan ang mga nilalaman. Nagtalsikan sa lahat ng sulok ng bahay namin ang lahat ng mga damit na nilalaman nito kasama na ang hanger at mga pinagsasabitan ng mga damit. Naging instant wagwagan o ukay-ukay ang bahay namin. Tumalsik na nga rin yung mga tindera mula sa kahon ngunit sa kasamaang palad ay tumama sila sa aming industrial ceiling fan kaya hindi na sila nabuhay pa.

Napakarami talagang mga damit sa bahay namin ngayon. Samu’t saring mga damit, pantalon, bra, panty, sabon, sweat pants, brief, at kung anu-ano pa. Sayang nga dahil walang mga tech gadgets o kahit sex toys man lang lalo na sana yung blow-up doll. Well, sa dami ba namang ipinadala ay napa-shopping na rin ako kagad sa sarili naming bahay. At dahil din amoy hongkong ang mga gamit ay nagpagulong-gulong na rin ako dun para kumapit sa aking balat ang amoy ng Hongkong.

Nagsususukat na kagad ako ng mga damit at pantalon na pwede kong idagdag sa aking wardrobe. Syempre habang naghahalungkat sa bulubundukin ng mga tela at damit hindi mawawalang may makitang kakaiba sa mga ipinadala.

Aakalain ba naman naming makakakita kami ng isang damit na medyo glossy ang dating. Rubber or leatherette yata yun na may animal print at talaga namang mainit kapag isinuot. Damit na perfect pang-sholbam. Sinubukan ko ngang isuot at instantly naging sholbam nga ako. Nasa bungad pa lang ako ng pintuan namin ay biglang nagsulputan ang mga matrona at mga badingger z habang iwinawagayway nila ang mga pera nila, isang daan at singkwenta. Syempre dahil mataas nga ang rate ko ay di ko sila pinatulan at tinanggal ko na kagad ang damit.

Sunod namang natagpuan namin ay yung mga panty na may bulsa. Yung mga bulsa pa man din ay naka-locate dun sa harapan mismo ng panty. Hindi nga namin alam kung ano purpose ng mga bulsa na yun dahil may zipper pa talaga. Naisip nga namin baka yun ang mga gamit ng mga babaeng shoplifters ng pakwan at 1-whole illustration board at dun nila nilalagay. Pero sa palagay ko ang tunay na silbi ng mga pockets na yun ay lalagyanan ng condom. Ganun pala ang mga babae sa Hongkong, laging prepared.

Marami-rami din akong nakuhang mga damit. Mapupuno na naman ang aking wardrobe kaya sa palagay ko kailangan ko ng magpatayo ng bagong mansyon para lang sa aking mga damit. Pero yung sholbam shirt ay iniisip ko pa kung kukunin ko ba o hindi. Pwede ko rin kasing gamitin yun kapag tumambay ako sa Quezon Circle or Timog Ave.