More than a Caffeine Fix


Ang kape na yata ang pinakamahiwagang inumin na nagawa ng tao sunod sa beer or kung ano pang liquors. Bukod yata sa nakakapagpagising ito—ngunit meron ding sa iba ito ay nakakapagpatulog—ay meron pa itong nagagawa sa tao. Ang coffee ay drugs din na tumatawag ng kung sinu-sinong espiritu na sumasapi sa umiinom nito.

Patok na rin ang mga coffee shops ngayon sa kung saan-saan. Naiinis na nga ako dahil sa kadalasang mga nakikita ko sa mga coffee shops lalo na sa sikat na Starbucks ay dun pa nagsusulputan ang mga TH (Trying Hard). Hindi ko alam kung anong klaseng magic or alchemy ang ginagawa ng mga barista sa mga frap at hot cups ng mga nilalang na ito.

Tuwing nagha-hangout kasi kami ng mga friendsters ko sa nasabing coffee shop, napupuna kong may kakaibang nangyayari sa ibang tambay dun. Sa pag-inom nila ng kanilang frap or kahit yung baso ng tubig lang ng Starbucks ay may biglang lumalabas na usok sa paligid nila na sinasamahan pa ng disco lights kulang na lang ay sumigaw sila ng Darna, Captain Barbell at Shaider. Paghawi ng mga lights at usok ay nagbagong anyo na ang mga TH na ito, pero mga sugpo at hipon ang mga mukha nila. Nagbago lang ang kanilang pananalita. Regal Shockers! Biglaang naging spokening-dollars-with-twangs-and-nasal na sila. Lintek! Gusto kong hugutin ang kanilang dila at gawing dental floss sa mga ngipin nila.

Acceptable pa sana kung normal at maayos ang usapan nila, kaso halatang hindi. Obvious na mga kakarimarim na mga TH sila. Nakalunok yata ng megaphone at ipinangangalandakan pa nila ang kanilang mga english na usapan. They are obviously thinking longer than with a casual conversation. Kasi kung normal na pag-uusap lang, spontaneous yun at bastusan na ang usapan—or ganun lang talaga kami mag-usap ng mga barkada ko, bastusan. Sa susunod nga magdadala na ako ng AK-47 para ratratin yung mga TH na mga tumatambay sa mga coffee shops.

Paano ba malalaman ang mga TH’s at mga social climbers sa mga coffee shops?

  • Umoorder ng kanin or may dalang kanin at isinasabaw ang kape nila doon.
  • May dalang sachet ng kape at humihingi or naglalagay na lang ng hot water sa mga munting baso.
  • Hindi alam kung paano bigkasin ang macchiato.
  • Puro service water lang ang nasa lamesa nila.
  • Nakabuhol na ang mga dila nila sa ngipin.
  • Nagbabasa ng tagalog romance novel sa loob ng coffee shop.
  • Nagdidikdik ng coffee beans at hinihithit.

Kaya hindi na ako umiinom ng kape or ng crapuccino—lalo na sa mga coffee shops—kasi natakot ako baka sapian din ako ng ‘english’ TH spirit. Tsaa na lang ang iniinom ko kasi nagre-release ito ng alpha waves na nakakaganda sa mood ng tao. Kung di siguro ako magtsatsaa baka isungalngal ko ang signage ng coffee shop sa bunganga nila.