So Sick

Kahapon ay sumabay ang aking katawan sa uso. In na in kasi kaya syempre hindi ako pwedeng magpahuli. Pwede ba naman hindi ako lagnatin iyon pa man din ang usong-uso ngayon. Ang hirap nga lang talagang magkasakit kasi pati panglasa ko apektado kaya hindi ko malasahan yung caviar at vodka na favorite ko.

Hindi rin tuloy ako nakapag-post sa sked ko. Nilunod kasi ng uhog ang utak ko at pati mga laman-loob ko ay nagkadikit-dikit na rin dahil sa tindi ng sipon ko. Kaya ang sakit ng ulo ko at nagdidikit na yata ang mga walls ng esophagus ko. Bakit nga ba ako nagkalagnat?

Theory # 1: Depression

Malaki kasi epekto ng takbo ng ating pag-iisip at damdamin sa ating health. Lalo’t kung pessimistic or depressed madaling kapitan ng sakit. Nitong kamakailan kasi naging depressed ako kaya siguro nagkasakit ako. Paanong di ako made-depress, pinalayas na si Marimar sa Villa Santibañez at pinaglalayo na silang dalawa ni Sergio. Mas lalo akong na-depress nung paglipat ko sa kabilang istasyon at nakita ko ang pagmumukha ni Kokey. Labis-labis talaga akong nalungkot sa mga pangyayaring iyon kaya siguro nagkasakit ako.

Theory # 2: Superstition

Napakarami din kasing bumati sa akin the past days. So sa palagay ko nausog nila ako. Marami ang nagsabi sa aking lumalaki daw ako—nagiging macho—at ang gwapo ko raw lalo. Sa dami ng mga papuri ay di ko ito nakayanan kaya nag-overheat ang aking system at tumuloy sa fever at sipon. Of course, thankful pa rin ako sa mga pumuri sa aking kagwapuhan pero sa susunod siguro dapat ko ng padilaan ang talampakan ko para effective na di ako mausog.

Ang usog kasi ay overflow of compliments kaya nangyayari ito. So kung akong gwapo na at alam ko na iyon ay nauusog pa, ano pa kaya dun sa mga hindi ‘blessed’ kapag nabati? Baka ikamatay pa nila iyon.

Theory # 3: Virginity

Mas mahina raw ang immune system ng mga virgins. May mga studies kasi na ang frequent sex ay nakakatulong na ma-reduce ang risk ng sipon. Kaya naman siguro madalas akong sipunin dahil mahina nga ang aking immune system dahil sa kakulangan sa sex. Kailangan ko na palang ma-devirginated as soon as possible at gawing regular yun.

Mabuti na lang gumaling na kagad ako at hindi na ito nagtagal pa. Sa panahon ng krisis kasi bawal magkasakit lalo’t kailangan pang magbenta ng katawan. Salamat sa Neozep at Bioflu at magaling na ako. Nagpapasalamat din ako sa mga taong nag-straw ng aking mga uhog sa aking ulo.