Brain Dead


Heto ang mga panahong walang tumatakbo sa aking isip. Yung kahit anong piga, pagpag at pagsimot sa aking bungo ay walang makikitang leftover sa aking brain. Ewan ko ba, gawa yata ito ng buhos ng ulan, na-wash away siguro ang mga iniisip ko. Nasobrahan yata ako sa pagme-meditate kaya tuloy nag-reformat ang utak ko.

Nawasak na nga ang mga gamit dito sa opisina dahil inuumpog ko ang ulo ko para lang makapaglabas ng magandang idea. Kaso dugo lang ang lumalabas eh, ano ba ang problema? Ipinatong ko na nga sa bowl ang utak ko, kinusot-kusot at piniga, kaso wala talaga. Sinubukan ko na ring kumain ng encyclopedia, dyaryo at hard disk, wala rin. Tumae lang ako ng sangkaterbang papel sa inidoro.

Saan ba kasi napunta ang isipan ko? Nagliliwaliw na yata sa Never Neverland at hindi man lang nagpaalam sa akin. Kung may gimik man siya sana man lang niyaya ako hindi yung ganitong iniiwan akong blangko. Anong oras kaya babalik ang aking katinuan? Sana mamaya na, huwag namang tumagal hanggang bukas.

Ngayon ay tinatawagan ko na ang kapangyarihan ng dakilang Juday para mabalik na ang aking utak. Kaso kulang yata, kailangan pa yata ng alay. Kailangan pa yata ng dugo ng isang virgin. Wala naman akong kilalang iba pang virgin. Ako na lang yata ang natitirang virgin sa mundo. Hindi ko naman sigurong kailangang i-alay ang dugo ko kasi ako nga ang may kailangan ng tulong di ba?

Ah basta. Sobrang blangko ako ngayon. Hindi tumatakbo ang motor ng aking utak, kulang yata sa gasolina. Grabeng mental block ito, may humigop yata lahat ng nalalaman ko at idea ko for the day. sinong mga engkanto pa ba ang pwede kong tawagin para magkalaman na ulit ‘tong utak ko.

Actually, marami na ring gumawa nito kaya siguro naman maraming makaka-figure out kung paano ito solusyunan.

Sorry blangko lang talaga ako ngayon. Wala tuloy akong maisulat.

Or yun ang akala niyo.