Fecal Talk

Sa mundo ng banyo, maraming pagkakaiba ang tao. Iba-iba ang habit sa paggamit ng toilet bowl. Yung iba successful, yung iba mababakas sa kanilang mukha na hindi sila tagumpay sa kanilang misyon. Ngunit kung anuman iyon ay tiyak na mabaho pa rin ang kalalabasan.

TAELOGY 101

Ang tae, normal na bahagi yan ng ating buhay. Kung walang tae, malamang matagal ng nalason ang babaho na natin ngayon. Essential part of living ang pagdumi kahit gaano man ito nakakadiring pag-usapan.

Constipation. Malalaman ang isang tao kung constipated o hirap makadumi kapag nakikita ito sa mukha niya. Karaniwang makikita sa pagmumukha nila ang pagiging iritable at yung parang nakita si Jobert Sucaldito in the flesh. Obstipation naman na ito kapag naging kamukha na nila si Cristy Fermin.

Diarrhea. Contrary sa constipation, ito naman yung madalas na pagdumi. Mapupuna naman ang taong may diarrhea kung siya’y pinagpapawisan ng malamig, namumutla, tinitigasan… este naninigas, at tumatayo ang balahibo. Kapareho nito ang hitsura ng mga nakakakita kay Michael Jackson sa TV or higit lalo kung sa personal.

Styles. May iba’t ibang klase ng pagdumi, yung iba yung normal na nakaupo lang, ang iba naman nakapatong ang paa sa ibabaw ng toilet bowl. Ang maaarte naman sanay na naka-squat sa mga public toilet kapag tumatae or may mga ritual na naglalagay pa ng tissue or spray pa ng disinfectant. Pero anu’t anuman, mabaho pa rin naman ang mga tae nila. Paano ang style niyong tumae?

Insoluble fibers. Ang dietary fibers ay dalawang klase, soluble at insoluble. Ang mga soluble ay yung mga katulad ng cereals and oats, ang insoluble naman ay kahalintulad ng mga gulay. Kaya kung kumain kayo ng sinigang o ng mais kinagabihan, huwag kayong magtataka kung matatagpuan niyo ang kangkong at ang mais kasama sa tae kinaumagahan.

Luck. May mga paniniwala kapag nanaginip, naiputan or nakaapak ng tae ay may kapalit daw itong suwerteng darating. Ang swerte nga naman kung minsan ay dumarating sa napakabantot na paraan.

——————–

Kung mapapansin niyo sa post kong ito ay direkta kong sinabi ang tae kaysa sa i-replace ito ng mga salitang jebs, jerbaks, jerbakuls o syet. Mas madadama kasi ang baho ng entry kong ito kapag ginamit ang salitang TAE.