Nabanggit ko na noon ang tungkol sa development ng aking katawan, kaso brief lang yun. Kaya naman, ishe-share ko kung paano ba ang aking evolution. Syempre naman malaki ang ipinagbago ko simula pagkabata, pero isa lang ang nag-stay, ang aking kagwapuhan.
Noong iniluwal ako ng aking ina sa mundong ibabaw na puno ng sandamakmak na gulo at problema, wala pa akong alam sa kamunduhan at di pa tinutubuan ng bulbul. C-Section nga ang mommy noon dahil grabe ako sa laki. Ang bigat ko nga rin daw at hirap na hirap sila sa pagbuhat sa akin. Tinubuan nga ng mga muscles ang mom at lola ko sa kakabuhat sa akin. Parang bola nga raw ako nu’ng baby ako. Kaya heto ang pic ko nu’ng baby ako.
Lumipas ang mahabang panahon ng pakikipaglaro ng Monkey Monkey Anabelle, matuli at nagsimula na akong tubuan na ng mala-gubat na bulbul sa aking pagbibinata, grumabe naman ang ikinapayat ko. Sinagot naman kasi ang hiling ko during my puberty years sa pagnananais kong pumayat kasi madalas akong tuksuhin ng mga repakuls ko noon. Napaka-deadly nga ng aking mga siko at tuhod dahil nakakatusok sa kapayatan ko.

Tapos, dumating na nga ang panahon na matapalan ng laman ang aking buto. Nakakapagod kasi ang magdikit gamit ang superglue ng mga pandesal sa aking tiyan at cinnamon roll sa aking mga braso, kaya naisipan ko na lang na pumunta sa neighbor gym at sinimulang ngumata ng mga weight plates. Hayun nga nagkaroon ng improvement at marami ring nakapuna sa pagbabagong iyon. Ang laki ng ipinagbago ko sa aking payat na katawan, kaya lumaki ako hanggang ganito.
Hindi naman ganyan, ayoko naman yata maging marshmallow man. Although cute, ayoko pa rin. Kailangan syempre sexy at muscular lang, di naman yung ganyan. Kasi kung ganyan ako kalaki baka hindi na ako makadaan sa mga pintuan or baka isama ako sa nightcamp, tuhugin sa stick at gawing roasted marshmallow. Ayoko namang maging ganun, kaya heto na talaga ako ngayon.
Okay, hindi pa rin, pero wait niyo lang magiging ganyan din ako. Siguro in 5 to 10 years, magiging ganyan din ang katawan ko.
Napansin niyo ba na isa lang ang pose ko sa lahat ng aking picture? Yan kasi ang aking best angle.
Recent Comments