Save the Bacteria Movement

Kung sa inaakala nating lahat na ang ating mga magulang, tito, tita, ditse, ate, kuya, lolo, at lola lang ang ating mga kapamilya at kamag-anak, malaking pagkakamali iyan. Meron tayong long lost relative na matagal na nating di pinapansin kahit pakalat-kalat lang siya sa paligid. Kaya naman, ipinapakilala ko sa inyo ang inyong long lost relative.

Isama niyo ang picture na iyan sa inyong family album.

Yap, ang Bacteria nga ay kamag-anak nating lahat. Sa theory of evolution, sinasabi dito na ang buhay sa earth ay nagsimulang lahat sa microorganism, ang bacteria. Hanggang sa nagtagal, nagkaroon na ng mga halaman at kahayupan sa ibabaw ng kamunduhan… este mundo pala. Ang mga bacteria ay may buhay din at relative natin kaya naman nararapat rin silang pangalagaan.

At dahil ang inyong lingkod ay advocate ng buhay ay isinusulong ko ang Billycoy’s Organization for Organisms and Bacteria Savers or BOOBS. Isinusulong ng BOOBS ang pagligtas ng buhay ng mga microorganisms at bacteria sa ating paligid at awareness program ukol sa kahalagahan at kung paano mapapangalagaan ang buhay ng mga munting kaawa-awang nilalang.

Heto ang ilan sa mga paalaala at advocacy ng BOOBS para mailigtas ang buhay ng mga bacteria at microorganisms.

  • Huwag ng maligo na gamit ang mga antibacterial soaps dahil pinapatay nito ang maraming germs sa ating pangangatawan. Kung may reklamo mang marami na ang namamaho ay mabuti na rin yun, dahil at least marami naman ang naililigtas na buhay.
  • Nire-remind din ng BOOBS na ang tae ay isang colony ng mga kamag-anak natin kaya naman dapat din silang pangalagaan. Handle with care, ika nga.
  • Nais din ng aking organization na ipagbawal na lahat ng mga anti-bacterial soaps, cleanser, detergents, etc. Masaya ang maduming buhay kasama ang mga munti nating kapamilya.
  • Kasagutan sa kalungkutan at depression ang mga bacteria. Nais naming iparating na hindi kayo nag-iisa sa mundo. Nariyan lamang ang mga bacteria para dumamay sa inyong mga problema.
  • Isa rin sa aming advocacy ang pagliligtas sa mga sperms. Marami kasi ang namamatay na sperm cells sa tuwing nagkakaroon ng “Happy Time” ang mga kalalakihan. Kaya naman ipapasa namin sa gobyerno na gawing krimen ang pagpuksa sa milyon-milyong sperm cells.

Marami pang mga paalaala ang aking organization sa mga darating pang araw. Nananawagan din ako sa marami na sumali sa BOOBS para na rin mailigtas ang napakaraming bacteria at microorganisms sa ating kamunduhan… este mundo.

Tandaan, Bacteria man, may buhay pa rin iyan.

ANO ‘TO?

Mga isipan at muni-muni na walang kwenta, kalokohan, kagaguhan, kabalahuraan, kaututan at katarantaduhan. Nilikha para sa mga isinasantabi pansamantala ang kanilang katinuan.

Subscribe to Blog via Email

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Feedback and suggestions. Kape tayo? i.am@billycoy.com