Blog Action Day: Let’s Clean Up Our Act

Modern na talaga ang panahon ngayon. Ang daming ipinagbago simula noong lumabas ako sa mundong ibabaw. Akala ko kasi noon hindi na magbabago ang damit noong 80’s na may mga shoulder pads at ang sandamakmak na spraynet sa bangs ng mga kababaihan noon. Dumating ang 90’s, nagbago ang lahat. Matapos akong magsawa kay Pong Pagong—na kamukha kapag may suot akong baseball cap—sa Batibot at sa kakalaro ng G.I. Joe, nauso naman ang mga loose shirts and pants, at pati ang mga nakamamatay na gel-infested spiked hair. Bukod sa pananamit at mga uso, marami ring nagbago, lalo na sa ating environment.

Laking Maynila ako, kaya naman sanay na akong lumanghap ng sariwang usok mula sa mga tambutso ng mga bunganga at sasakyan. Immune na rin akong makita ang nagtatambakang basura sa paligid at masuka sa nakakaduwal na amoy ng mga basura. Bagamat sanay na ako sa ganung kapaligiran, nasa-suffocate na rin ako. Hindi naman kasi ito katulad ng drugs, rugby o marijuana na kapag nalanghap ay nakaka-adik singhut-singhutin. Gusto kong mabago ang mundong ginagalawan ko.

Nakakatuwang pakinggan ang mga elderly kapag nakukwento nilang nakakapag-skinny dipping pa sila noon sa dating malinis na ilog. Ngunit ngayon, subukan lang maligo sa mga ilog na iyon ay hindi na nila magagawa. Makakasabay na rin sa paglangoy ang mga basura at taeng palutang-lutang dito. Baka nga sa sobrang dumi ng mga ilog na ito baka pati ang mga jerbaks ay bumara na lang ito sa mga butas ng ilong, ang masama pa ay may pumasok sa bunganga at mabulunan pa. Hindi na nga rin siguro nakakagulat kung maka-swimming ang mga bangkay o parte ng katawan ng mga chop-chop victims sa ating mga ilog. Ang pagsisid sa mga ilog ng Maynila ngayon ay katulad na rin ng paglangoy sa mga septic tanks.

Kung gaano katindi ang traffic sa Metro Manila, ganun din o higit pa kalala ang pollution na dulot na ito. Tanaw na tanaw nga sa langit, lalo na sa oras ng paglubog ng araw, ang tindi ng kapal ng smog sa langit. Aakalain ngang end of days na dahil sa kapal ng usok sa langit. Normal na yatang makitang brown ang kalangitan natin ngayon. Hindi na nga sorpresa ngayon kung bakit marami na yata ang mga batang ipinapanganak na may asthma or any lung-related disease. Pero bakit ganun, kahit ang mga adik na sanay na sa usok ng sigarilyo at droga ay ayaw din nila ang mga usok ng sasakyan at ng air pollution?

Ironic nga, marami na ang taong natututong maglinis ng mga katawan nila pero ang paligid naman ay palala ng palala ang sitwasyon. Heto nga lumalala na ang global warming. Kung ako ang gagawa ng solusyon dito, ipapasinghot ko sa lahat ang usok sa ere at kapag namatay sila sa pagsinghot sa smog ay gagawin kong fertilizers sa mga puno ang mga bangkay at pagpiyestahan na sila ng mga uod at bulate.

Hindi pa naman huli ang lahat, pwede pa nating mabago ang sitwasyon ng ating mundo. Nararapat na tayong umaksyon ngayon din at muling baguhin na ang ating kinagawian. Kailangan pa ba nating makitang burak ang lumalabas sa mga gripo natin at makakain ng tae para lang malamang malala na ang sitwasyon ng ating mundo?

ANO ‘TO?

Mga isipan at muni-muni na walang kwenta, kalokohan, kagaguhan, kabalahuraan, kaututan at katarantaduhan. Nilikha para sa mga isinasantabi pansamantala ang kanilang katinuan.

Subscribe to Blog via Email

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Feedback and suggestions. Kape tayo? i.am@billycoy.com