Pimp my Crib

Grabe, nahihirapan na talaga ako dito sa aming tahanan. Hindi ko na alam kung paano pa ako kikilos dito. Hindi naman siya masikip, sa halip sobrang luwag nga ng aming bahay. Kung pagmamasdan kasi ang bahay namin, simpleng apartment lang. Ngunit di alam ng marami na may basement ang bahay namin. Sa basement nga ng bahay namin hindi aakalaing ganito ang gugulantang sa kanila…


Oops, sorry wrong basement.


Ganyan kalaki ang basement namin. Nagpasadya kasi kaming magkaroon ng landscape at artificial skyline doon para kahit hindi na kami umibabaw para lang makalanghap at makatanaw ng magandang tanawin. Sa sobrang laki nga ng aming basement, kakailanganin pang sumakay ng tren para makarating pa sa mga kwarto namin. Nasa kabilang bundok pa ang pinakabahay namin sa basement.

Rooms Apart

Isipin mo naman, kailangan pa naming sumakay ng train para lang makarating sa susunod o kabilang kwarto. Kaya nga siguro ako kadalasang nale-late sa office dahil sa biyahe namin sa loob ng bahay.

My Bedroom

Siyempre favorite spot ko ang kwarto ko. Napakasimple lang naman kasi doon at relaxing pa. May mga anim lang naman na plasma TV’s na nakasabit sa mga pader ng aking kwarto. Yung kama ko? Hindi ko na lang ide-describe kasi yung bedsheet, punda at kumot pwede ng tumayo mag-isa sa tigas. Hindi ko nga alam kung bakit ganun, pero meron makakapa dun na parang mga natuyong gawgaw, pero di yata gawgaw, kasi amoy clorox.

My wardrobe

Ang cabinet ko kapag binuksan, meron kagad na bubungad na mga subwoofers at speakers. Sa magkabilang pintuan naman ay mayroong mga LCD monitor na nakakabit doon na nagpe-play ng mga palabas sa MTV. Tapos sa pagitan ng mga speakers may susulpot na touch-screen monitor kung saan doon ko na lang pipiliin ang isusuot kong damit mula sa aking mala-department store na wardrobe.

Super Security

Syempre, kailangang pangalagaan namin ang tahanan namin. Matindi ang security sa bahay namin. Merong voice recognition, eye scan, fingerprint recognition, blood test, DNA test, interview, desanitation, password protection, signature recognition at kung anu-ano pa. Malapit na nga yata kaming maubusan ng dugo dahil sa dalas na blood test para lang makapasok sa bahay at mga kwarto namin. Umaabot din ng ilang oras bago pa makapasok, kaya kadalasan nga ay tinatamad na kaming pumasok sa basement house namin kaya nanatili na lang kami kadalasan sa surface.

Ganyan lang naman ang crib namin. Simple lang kung tutuusin. Mas malaki pa rin kasi ang heritage house namin. Makahanap na nga ng ibang bahay, okay na siguro yung kasing liit lang ng Mall of Asia para di na ako mahirapan. Ok na kaya yun?

ANO ‘TO?

Mga isipan at muni-muni na walang kwenta, kalokohan, kagaguhan, kabalahuraan, kaututan at katarantaduhan. Nilikha para sa mga isinasantabi pansamantala ang kanilang katinuan.

Subscribe to Blog via Email

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Feedback and suggestions. Kape tayo? i.am@billycoy.com