Bombs Away

Yan ang Nagasaki Atomic Bomb

Yan naman si Miss Atomic Bomb.

Nayanig na naman ang bansa dahil sa bombahang naganap sa Makati ngayong hapong ito, 19th of October 2007. Hindi po ito yung bombahang nagaganap sa mga chipipay na clubs at mga napapanood sa pelikula, heto ay ang pagsabog ng bomba. Walo—as of this time I’m typing this—na ang nabawian ng buhay at mahigit 80 ang sugatan. Naganap ang sinasabing pagsabog sa Glorietta 2, na sa una ay inakalang pagsabog lamang ng isang LPG tank sa Luk Yuen, isang restaurant.

Bagamat ako ay nagtatrabaho sa Makati, malayo naman ako sa pinangyarihan ng pagsabog. Kung meron mang sumabog ay nagawa ko na yun kaninang umaga sa toilet bowl at nagpasabog ng napakabahong amoy. Higit pa yun sa bomba na napasabog sa Glorietta at lalong kaya pang talunin ang atomic bomb sa Hiroshima. Kung meron mang tatalo sa bomba ng puwet ko, iyon ay kapag naisipan na ni Madam Auring na magbomba.

Sa kaganapang bombahan na lang din, heto ang ilang reaksyon ng mga tao sa naganap na pagsabog.

Ayon kay Jehzeel sa Twitter:

sumabog daw glorietta 2? waaaaaaaaaa

Ayon sa dalawang residents ng isang building sa Makati:

Girl: Pinasabog daw ang Makati?!
Boy: Tanga! Kung sumabog ang Makati eh di kasama ka na dun!

—————————

Naiinis ako dahil lagi na lang akong napagkakamalan. Mabuti sana kung maayos na pagkakakilanlan, hindi naman. Gaya na lang ng mga ganitong sitwasyon:

Habang naghahanda sa pagpunta ng gym.

Pinsan: Gym ka?
Ako: Hindi, tao ako.

Habang papunta ng comfort room para umihi.

Kaibigan: CR ka?
Ako: Hindi, tao ako

Habang bumibili ng ginataang halu-halo sa isang tindahan.

Tindera (sinasabi sa co-tindera): Bilo-bilo daw si kuya.
Sa isip-isip ko: Hindi ako bilo-bilo, tao ako!

Hindi ba nakakainis na mapagkamalan na kung anu-ano, gym, CR at higit sa lahat bilo-bilo!? Sino ba ang matutuwa sa ganun?!

Sa lahat! Tao po ako, TAO. T-A-E…. TAO!

ANO ‘TO?

Mga isipan at muni-muni na walang kwenta, kalokohan, kagaguhan, kabalahuraan, kaututan at katarantaduhan. Nilikha para sa mga isinasantabi pansamantala ang kanilang katinuan.

Subscribe to Blog via Email

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Feedback and suggestions. Kape tayo? i.am@billycoy.com