Explosive Theories

Isang linggo na ang makalipas pagkatapos noong pagsabog sa Glorietta 2. Ang imbestigasyon ay tuluy-tuloy at hanggang ngayon ay wala pa ring resulta. Una, sinabi nilang LPG tank ang sumabog, tapos high explosive tapos naging methane gas na nahalo sa diesel fumes. Kung anu-ano na ang mga teorya nila. Kaya naman ang inyong lingkod ay nagsagawa na rin ng pag-aaral kung paano naganap ang pagsabog sa Glorye.

image brought to you by Heneroso’s Multiply.

My fault?!

Kinausap ko kasi ang mga alipores ko earlier that week. Sabi ko kasi pupunta ako sa Glorietta by Friday kaya gusto ko sa pagpasok ko ng Glorye ay magkaroon ako ng “explosive” entrance. Ang mga galunggong… este mga gunggong hindi yata nakakaintindi ng figure of speech kaya ang ginawa nila ay naglagay nga ng mga pasabog. Tapos ang napaaga pa ang pagpapasabog nila kaya naganap nu’ng tanghali. Mabuti na lang wala ako doon, kung sakali ay hindi lang utak ang sasabog sa akin.

Currently, iniimbistegahan ko na rin ang mga alipin ko kaso magaling silang magtago at maglihim. Talagang in denial pa ayaw nilang amining mga engot sila. Kung sila nga ang may kagagawan nu’n ako pa ang mapapahamak. Pero mukhang tinamad yatang magtrabaho ang mga slaves ko noong araw na iyon kaya mukhang hindi rin sila ang may kagagawan.

All Cows

Ang mga baka kasi nagre-release ng methane nang dahil sa mga kinakain nilang damo. Kaya sa palagay ko ay mayroong mga baka sa basement nitong Glorietta 2. Maraming-maraming cows malamang ang nandoon sa ilalim ng Glorietta 2 kaya nag-accumulate at nakulob ito sa basement. Nagkaroon ng spark at yun… KABOOM! Nagkaroon na nga ng pagsabog.

Kung bakit wala ng natagpuang laman ng baka sa ground zero? Madali lang, maraming restaurant at fastfood sa loob ng Glorietta kaya hindi imposibleng kinuha na ito ng mga crews nila at ginawa ng steak o patty ng mga hamburgers.

New Level of Terrorism

Hindi ko isinasantabi na maaari ngang terorista ang may kagagawan ng pagsabog. Ngunit hindi sila mga ordinaryong terorista, sila ay kakaiba at may pambihirang talento. Hindi sila gumagamit ng mga ordinaryong pampasabog gaya ng C4 o TNT. Ang kanilang talento ay umutot ng umutot. Ang ginagawa ng mga teroristang ito ay kumain ng napakaraming kamote at gulay kaya kakabagin sila at maging dahilan ng pag-utot ng maraming beses. Siguro ay ganun ang ginawa nila sa basement, inipon at sinindihan kaya nagkaroon ng pagsabog. Wala nga namang maiiwang bakas ang pagsabog gawa ng utot.

Marami tuloy ang nasayang na buhay dahil sa naganap na pagsabog sa Glorietta 2. Sana bilisan naman ng awtoridad ang kanilang imbestigasyon at bigyan ng hustisya ang mga nasawi.

Pwede na akong imbestigador di ba?

ANO ‘TO?

Mga isipan at muni-muni na walang kwenta, kalokohan, kagaguhan, kabalahuraan, kaututan at katarantaduhan. Nilikha para sa mga isinasantabi pansamantala ang kanilang katinuan.

Subscribe to Blog via Email

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Feedback and suggestions. Kape tayo? i.am@billycoy.com