Still Alive and Kickin’ Some Balls

I’m back I’m back balakubak!

Matagal din pala akong nawala, nagbakasyon muna kasi ako at pinili kong i-isolate ang sarili ko sa media frenzy at mga technological hullabaloos. Nagbakasyon grande muna ang inyong lingkod para naman medyo ma-refresh, mag-recharge at makapag-relax-relax muna sa napakaraming stress na nakaka-reduce ng aking youthful glow. Kaya heto na ako nagbabalik na masiglang-masigla at aroused na aroused!

Nasaan nga ba si Billycoy nitong nakaraang linggo at tila naglaho muna sa paningin ng mga uzis at ng mga tsismosa?

Nagbakasyon kasi muna ako sa aming bahay bakasyunan. Hindi sa mansion namin sa Baguio, resthouse sa Tagaytay Highlands, beachhouse sa Bahamas o sa aming bubbledome sa ilalim ng Arctic Ocean. Bumisita muna ako dun sa aming pinapagawang vacation house sa planetang Pluto. Kung hindi niyo po nalalaman, binili ko na kasi ang Pluto last year kaya naman ang ginawa ng mga astronomers, scientists, astrologists, feng shui experts at ng mga mambabarang ay ginawa na lang itong asteroid. Kaya kasalanan ko kung bakit di na planeta ang Pluto ngayon.

Nag-chillax muna ako habang pinapanood ang aking bahay na ine-erect… este itinatayo… (bakit parang mahalay pa rin?) ng aking mga alipin sa lupa ng aking nabiling planeta. So far, almost halfway pa lang sila. Medyo mabagal ngang ang paggawa kasi ayokong madaliin nila ang pagtapos nito.

Medyo mayabang ba ang tono ko?

Hindi naman ako nagmamayabang. Well, kasi kaming mga nasa alta-sociedad, natural na may mga ganung bagay lang. In other words, hindi kami mayabang, MAYAMAN LANG.

Sa mga naghanap sa akin—kung meron man—sa mga nakalipas na araw, unawain niyo na lang sana ang pansamantala kong pagkawala. Nagparaos lang ako!

Regal shockers! Iba talaga ang epekto ng hangin ng Pluto sa akin.