Math Attack


Who loves Math?

Sino nga ba ang may gusto ng Math? Malamang mangilan-ngilan lang ang mahilig sa math. Bukod sa chocolates at sa mga sizzling hot chikaboobs, isa rin sa aking weakness ang Math. Isa nga arithmetic sa mga pinaka-dislike kong subject noong elementary at highschool. Hindi ako mahusay sa mga math problems, ngunit di nangangahulugang kamote ako dito. Hindi ako magaling at hindi rin naman ako dakilang tanga sa Math, sinto-sinto lang.

Swerte ko nga nu’ng college kasi college algebra lang at yun lang ang natatanging isang Math buong college life ko. Kaya’t konsultahin niyo na ako sa sex wag lang sa mga numbers dahil tiyak mapapatay ko gamit ng kuryente ng battery ng calculator kung sinuman ang magtatanong sa akin ng mga ganung bagay.

Though, kahit gaano man nating gustong isuka ang Mathematics, napakahalaga pa rin nito sa ating buhay. Tumutulong ito sa analytical thinking ng ating pag-iisip. Pero, ano naman ba ang dulot ng isang mangmang sa Math?

Advantages of a Math Stupid

  1. Hindi aasahang bigyan ng napakabigat na mga suliranin na may kaugnayan sa mga numbers.
  2. Sa ambagan, hindi papakialaman ng iba kung sakali mang may sumobra sa ambag nila.
  3. Walang problema sa pagbabudget.
  4. Hindi rin namomroblema sa mga presyo ng binibili kahit pa mura ito o mas mahal pa ito sa kanyang buhay at buhay ng kanyang mga kapitbahay.
  5. Masaya sa buhay at hindi naii-stress ng mga numero.
  6. Walang pakialam sa mga levels ng cholesterol, blood pressure, blood sugar, calories, fats, sodium at tindi ng baho ng mga singit, batok at kili-kili.
  7. Nananatiling bata at hindi tumatanda.

Disadvantages of a Math Stupid

  1. Madalas na nagno-nosebleed kapag nanonood ng “Numbers” at “Math-tinik”
  2. Nauubusan ng pera ng di namamalayan.
  3. Inaakalang isang race ng tao sa isang bansa ang SOH-CAH-TOA.
  4. Dependent sa mga daliri sa kamay at paa para mag-solve lang ng simpleng equation ng trigonometry.
  5. Hindi kayang bilangin ang mga bituin sa langit, hibla ng buhok at mga butil ng bigas sa isang tasa.
  6. Kinakasuhan ng pandarambong o plunder.

Sa math na lang din ang pinag-uusapan, how to get Billycoy with a Math equation?

Gwapo multiplied to sexiness to the nth power divided by the square root of charm add the cosine of a uber gorgeous looks times the cotangent of oozing sex appeal plus yumminess to the mouthwatering level which will be equal to Billycoy.

Ayan ang formula sa paggawa ng isang demigod na katulad ko. Paano naman ang equation niyo sa inyong sarili?