Alone in the World

Then tell me, Joe, how come a man as attractive, intelligent, well-spoken,
diffident in the most seductive way, and yet powerful,
is all alone in this world?
Susan Parrish speaking to Joe in Meet Joe Black

Iyan na yata ang pinakaakmang mga salitang nababagay sa akin. Feeling Brad Pitt ba? Hindi ah! Hamak namang wala pa siya sa kalingkingan ng aking kagwapuhan. Pero pareho kasi kami ni Joe Black, gwapo, matalino, marunong magsalita at higit sa lahat seductive. Yun nga lang, mag-isa lang sa mundo at wala pang juwawhoopers. In other words, USB o Untouched Since Birth.

Bakit nga ba mag-isa lang ako sa mundo? Hindi alam ng karamihan, unico hijo ako. Wala akong kinagisnang kapatid. Tanging mga G.I. Joe, unan at sina Mara Clara lang ang nakasabay kong lumaki. Namulat din ako sa pakikiiyak sa Princess Sarah, Dog of Flanders at pakikipaglaban sa mga Saiyans ng Dragon Ball Z. Malungkot sa tingin ng iba, pero masaya na para sa akin. Naging crush ko pa nga si Jolina during her Ang TV days.

Hindi man pinalad na magkaroon ng mga kapatid, masuwerte naman ako at nagkaroon ako ng maraming kaibigan. May matino, may gago, may ulul, may siraulo, may gunggong, may maayos, may timang. Iba’t ibang klase, ganun yata talaga mga tao sa mga mental hospital. Masaya naman ako at may nakilala akong mga ganung tao, madaling utuin at utangan.

Bagamat marami akong friendster, isa naman akong sawimpalad sa popoy at pag-ibig. Isa akong sawi. Mabuti na rin siguro yun at yun marahil ang nilaan sa akin ng destiny. Nauunawaan ko naman yun. Sa tindi ba naman ng aking nakakauhaw na charm at nakakahalinang kagwapuhan, maraming kababaihan, matrona’t bading ang magpapatayan para sa akin. Kaya naman, mas pipiliin ko na lamang maging mag-isa kaysa magkagulo pa ang sangkatauhan. Kung magkaka-juwawhoopers man ako, alam kong di siya tatantanan ng iba pang nasasabik sa akin. Pipiliin ko na lang maging USB forever kaysa naman may iba pa akong masaktan.

Kaya naman Jolina, KC Concepcion, Denise Laurel, Toni Gonzaga, Rhian Ramos, Marian Rivera, at Riza Santos…

I AM SORRY, I PREFER TO BE SINGLE FOREVER!