Just an Inquiry


Maraming katanungan ang bumabalot sa sangkatauhan. Sa mga katanungang ito doon naman nagmumula ang mga karunungan natin. Ngunit may ilang katanungan pa rin ang nananatiling misteryo sa ating lahat. Mga tanong na wala na yatang kasagutan. Mga tanong na hindi nagpapatulog sa ating mga gabi. Mga tanong na patuloy na bumabagabag sa ating isipan.

Anu-ano ba ang mga katanungang kahit tayo ay di natin masagot?

  1. Paano natin malalaman ang lengguwahe o dialect ng mga pipi? May proper pronunciation or grammar din kaya ang sign language?
  2. Kailan kaya tatama ang PAG-ASA sa kanilang weather forecast?
  3. Takot ba talaga ang elepante sa daga?
  4. Kailan matututo ang mga lalaki na mag-shoot ng ihi sa inidoro?
  5. Ano na mangyayari kay Santa Clause kapag natunaw ang ice caps sa North Pole?
  6. Kung ikaw na lang ang lalaki (kung babae ka, kunwari shemale ka) sa mundo at si Mahal at Madam Auring ang natitirang babae sa mundo, sino ang pipiliin mo?
  7. Marami bang pole dancers sa Poland?
  8. Detachable ba talaga ang ilong ni Michael Jackson?
  9. Higante ba si Big Brother?
  10. Trend ba talaga ang drunk-driving para sumikat?
  11. Bakit ba naimbento ang yosi?
  12. Ano mas masarap, sex, beer, chocolates o tumae?
  13. Kung maprotina ang mga ipis at iba pang nakakadiring insekto, bakit hindi ito sina-suggest ng DOH at BFAD na pagkain?
  14. Kamukha ba ni Brad Pitt si kamatayan? Kung ganun man… ang pangit naman!
  15. Naniniwala ba kayong USB (Untouched Since Birth) pa si Billycoy?

Iyan ang ilang bumabagabag sa aking isipan. Ngayon, it’s your turn naman para mag-isip at mabigyan ng kasagutan ang mga iyan.