El Gimikero? No Señor

Gimikero nga ba si Billycoy?
Oo dahil gwapo siya
Hindi, pero at least gwapo pa rin siya
pollcode.com free polls

Hindi ko maintindihan kung ano meron sa akin. Kadalasang judgement sa akin ng marami ay magimik daw akong tao. Hindi ko alam kung paano nila nasasabi na ganun ako. Siguro dahil sa nakakauhaw kong kagwapuhan kaya ako napagkakamalang party-goer. Well, di naman kasi mapapagkaila na kadalasan nga sa mga parties and night outs ay mga beautiful people.

I’m not a party-goer, gwapo lang talaga ako!

Ang katotohanan nga niyan ay napakadalang ko sa mga gimik. Isa o dalawang beses sa isang taon lang yata ako kung makapunta sa mga bars or nightclubs. Kasing dalang sa pagbisita ko sa dentista. Mas madalas pa nga yata akong makakain ng baby ipis sa cup noodles kaysa malango sa mga cocktails ng mga bars. Wala pa nga yata yun sa kalingkingan sa dalas kong pagkakaroon ng happy time sa kwarto o kaya sa banyo.

Isa nga siguro sa dahilan sa di ko madalas na pag-nightout kung bakit hanggang ngayon ay USB pa rin ako. Sino ba naman syo-syotain ko sa loob ng bahay namin? Alanganin naman yung aso namin, eh lalaki din kaya yun. Hindi ko naman pwedeng syotain yung mga isda sa aquarium, hindi naman ako marunong tumingin ng gender ng mga isda. Kaya kung kayo ang tatayo sa kalagayan ko, malamang ay matitigang din kayo… pero at least gwapo pa rin.

Totoong isa akong dakilang Homeboy—hindi nga lang ako yung kalbong talk show host slash talent manager. Pero hindi naman sobrang homeboy na nangangamoy paa na dahil sa sobrang buro na sa loob ng bahay. Ilang lugar lang ang madalas kong puntahan: bahay, bahay ng kapitbahay, gym, mall at office. Malate, Makati at Pasay lang yata ang kabisado kong lugar. Malayo na sa kabihasnan ang tingin ko sa Quezon City, Pasig, atbp. dahil ang kabihasnan ay nasa Parañaque.

Dahil di nga ako party-goer, sa bahay na lang ako nagpaparty mag-isa. May pinag-aaralan nga akong sayaw, higit pa at talong-talo pa nito ang Hiphop Abs. Para kung sakali mang mag-nightout ako with my repakuls, may alam na akong dance step.