You’ll Love these Gifts… Not!

Ganyan din kaya ang reaction nila kapag nakakita ng malaking “package”?

Ang lamig na talaga ng simoy ng hangin. Isa lang ibig sabihin nito, naka-full blast na naman ang aircon namin. Kung noon ay nakakayamot ang init ng panahon sa ating bansa, ngayon naman ay naninigas na ang ating mga utak sa tindi ng lamig na dulot ng cold front; brain freeze!

Kapag malamig, masarap makipag-sex. Kapag malamig na panahon, it’s either mamomroblema sa electric bill dahil magdamag ang aircon o dahil nalalapit na ang Pasko. Oo nga, malapit na ang pasko. Hayan na naman ang sangkatutak na Christmas parties at inuman sa mga kanto. Syempre, uso na rin ang exchange gifts at mga pa-raffle sa mga opisina. Yun nga lang, hindi lahat ng klase ng regalo ay gusto natin. Ano ba mga ayaw nating matanggap na regalo o raffle prize kapag Pasko?

Oven Toaster
Sa palagiang pa-raffle sa kumpanya ng aking ama, lagi na lang yatang oven toaster ang inuuwi niya. Pwede na kaming gumawa ng bakery kung hindi lang ipinamimigay ni mommy yung ibang natanggap na oven toaster sa mga kasal. Ano pwedeng gawin? Isalaksak ang ulo ng nagbigay nito sa loob ng oven toaster, painitin at hintaying tumunog bago tanggalin ang ulo.

Payong
Madalas na ibigay ito ng mga banks. Sa dami na nga ng mga payong na ito, pwede na nitong payungan ang buong Pilipinas para makaiwas na sa mga baha. Ano pwedeng gawin? Pumunta sa pinakamalapit na branch ng bangkong nagbigay ng payong. Isalaksak ang payong sa bunganga ng teller at buksan.

Coffee Mug
Sino pa nga ba ang hindi nakakatanggap ng coffee mug bilang regalo? Kung dati mga ceramic mugs na may mga zodiac signs ang usong regalo, ngayon naman yung iba’t ibang klase ng traveling mugs. Ceramic o Traveling, coffee mugs pa rin yun. Kaya nga nag-bloom ang Starbucks dahil sa dami ng nakakatanggap ng coffee mugs kapag Pasko. Ano pwedeng gawin? Painumin ng isang drum ng kape ang nagbigay nito.

Seiko Seiko Wallet, ang wallet na masuwerte
Ok pa siguro kung genuine (jinuwayn) na tatak ng wallet. Ang kaso hindi, galing pa sa bangketa at mga imitation lang ng Girbaud, Louis Vuitton at Pony. Madalas ay Girbaul, Louie Baton at Phony, halatang halata ang pagka-japeyks nito. Matatahimik lang siguro sa pagrereklamo kung may kasamang 5,000 pesos sa loob ng pitaka. Ano pwedeng gawin? Balatan ng buhay ang nagbigay ng wallet at gawing pitaka, tiyak ang swerte sa pagpasok ng bagong taon kapag nagawa ito.

Figurines
Ok naman ito, ang masama lang kung hindi naman kolektor ng mga ganitong bagay. Lalung-lalo na kung hindi naman nangongolekta ng angel figurines. 10 out of 10 yatang nakakatanggap ng figurines bilang regalo ay puro mga angel figurines. Kaya wag magugulat kung lahat ng bahay na mapupuntahan ay may angel na naka-display sa mga cabinets. Ano pwedeng gawin? Itabi ang mga figurine, gamitin na lang ito kapag nakikipag-away sa asawa para pwedeng basagin.

Picture Frames
Wow, sentimental ba? Hindi rin eh. Kasi kadalasan sa mga picture frames na regalo ay yung walang picture na nakalagay. It’s either nakalagay ang size ng picture na pwedeng ilagay (e.g. 4R, 4in x 6in) o default picture ng mga caucasian na di naman kakilala. Ano pwedeng gawin? Magpa-picture at ilagay ang larawan sa loob ng picture frame.

Nude Picture ni Madame Auring or Scandal Video ni Mahal in DVD
Sino bang may gustong makatanggap nito? Ano pwedeng gawin? Ipasa na lang sa kaibigan o kaya dalhin sa mga mambabarang at mangkukulam.

Hayan ang mga pinakaaayawang regalo sa Pasko at mga Christmas Party. Sana nga wala ng magbenta ng mga ganyan para hindi na i-regalo. Isusumpa lang sila ng mapagbibigyan nila.