Christmas = MMFF

Uy kakatapos lang pala ng Pasko. Hindi ko yata naramdaman ang Pasko. Sumilong kasi ako sa loob ng kuweba ng pukipuki at doon ako nag-hibernate kaya di ko naramadamang dumaan na ang Pasko. Mabuti na nga ring pumasok muna ako sa kuwebang iyon para maiwasan ko ang mga tiyanak… este mga inaanak.

Ang panahon ng mga regalo, bonus, 13th-month pay at makukulit na pangangaroling ng mga bata, meron pang isang paraan para malaman ang Pasko sa ‘Pinas. Ano pa nga ba? Eh di ang walang kasawa-sawang Metro Manila Film Fest. Hindi kumpleto ang Paskong Pinoy kapag walang MMFF. Katulad yan ng mga Fiesta Ham, Queso de Bola at Fruitcake para sa mga sinehan natin.

Nakakasawa na ang mga entries ng MMFF. Heto kasi ang mga napapansin ko sa mga entries ng MMFF:

  • Kung ano ang visual effects sa trailer, ayun na rin ang nasa movie. Panoorin na lang ang trailers sa TV kaysa gumastos pa sa panonood ng sine.
  • Laging may entries si Bong Revilla at Vic Sotto sa MMFF. Pero mas nangunguna pa rin si Mother Lily sa paggawa ng movies na isasali sa MMFF kahit sinabi na niya noon na di na siya sasali sa MMFF.
  • Ang mga bankable na artista ay lumalabas sa isa o dalawang movies na kasali sa MMFF (e.g. Marian Rivera)
  • Hindi pumapatok sa box office ang mga pelikulang may “essence”, sa awards ng ibang bansa lang.
  • Kailangang laging all-star cast ang mga pelikula.
  • May mga kasaling movies na angkop na angkop sa panahon ng Pasko, mga horror.
  • Sa sobrang dami ng special effects, nawawala na ang dialogue at istorya ng pelikula. Parang yung isang pelikula last year na halos 30 minutes na yata ay wala pa ring naririnig na dialogue sa climax.
  • Laging may fantasy movies para ma-maximize ang visual effects.
  • Ipinagsisigawan ang budget sa paggawa at production ng pelikula.
  • Lagi na lang ding may dayaan sa awards night.
  • Ang mga pelikula ay nagsasama ng mga talents ng rival TV stations para makapag-promote ng mga pelikula sa parehong TV networks.
  • Big deal na Dolby Surround ang audio system ng movie.
  • Wala pa ring makakatalo sa fashion sense ni Kuya Germs.

Kaya sa panahon ng MMFF, nagtitiyaga na lang ako sa tatatlo kong porn movies sa bahay. Mas maganda pa nga yatang panoorin ang porn films, mas may kuwenta pa kaysa sa mga palabas ng MMFF. Nakakapagpapaalab kasi ng aking damdamin at nakakapagpapatigas sa aking… abs!

Hayaan niyo kapag ako gumawa ng pelikulang ilalahok sa MMFF, titiyakin kong tataob ang mga tabo sa lababo ng kubo… Whatever!

HAPPY HOLIDAYS SA LAHAT… at sa manonood ng mga entries dyan, MAGDUSA KAYO!

ANO ‘TO?

Mga isipan at muni-muni na walang kwenta, kalokohan, kagaguhan, kabalahuraan, kaututan at katarantaduhan. Nilikha para sa mga isinasantabi pansamantala ang kanilang katinuan.

Subscribe to Blog via Email

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Feedback and suggestions. Kape tayo? i.am@billycoy.com